MATINDI MONG KAAWAY,KAIBIGAN MONG TUNAY

34 2 0
                                    

   Aking kaibigan,
  Kumusta kana diyan,
sa lugar na kung saan
   dina ako ang yong sinasandalan

  May haka-hakang ika'y
  nasa malungkot na buhay,
  pag-ibig mo'y napuno ng lumbay.
Ksabay din ng ating paghihiwalay

Nakakatawa lang pagkat
yung dating samahan nati'y
  tuluyan ng nalubog sa dagat
ng nakaraan, sa paglipat

  mo sa lugar na yan,
  Pakiusap ko lang wag mo naman
kalimutan,nandito parin ako
laging maghihintay sa iyo.

Basta lagi mong tandaan
ako parin ito,
Ang matindi mong kaaway,
At kaibigan mong tunay.

📝DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon