Hindi ko alam kung paano mo ako napapakilig,
na tila ako yata ay napa-ibig.
Kahit na malabo ay nanalig
sa mga salita mong inakalang pag-ibig.Umasa pa naman ako sayo, sa mga salita mo,
yong tipong hinayaan kong ako'y malunod sa iyo.
Nagbakasali ako na ganun din ang nararamdaman mo,
Pero nagkamali ako dahil pinakilig mo lang naman talaga ako.At hindi naman talaga pag-ibig ito,
alam konh kabaliwang sabihin ito
pero ramdam kong napa-ibig mo ako
yun nga lang kaibigan lang ang dating ko sayo.Pinakilig lang pala akala ko pag-ibig na,
muntik lang pala, pero hindi naman talaga.
Maaari pero mahirap mawari kung pag-ibig na ba
O sadyang pinakilig lang talaga.✍️DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesia⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat