TULA NG PAG-IBIG(Pangako mo)

165 3 0
                                    

‘PANGAKO MO'

Diba't minsan mo narin
akong pinangakoan, pangakong
Inasahan,pinaniwalaan
Ko't pinanghawakan

Diba't minsan mo naring
Pinangako sa akin ng
Kailan may
Hindi mo ko iiwan

Na hindi pababayaan
At hindi kailan man susukuan
Na hindi mo ko lolokohin
Kailan may laging akin

Pangako mong
Ako lang ang mamahalin
Ng buong puso
Sa walang hanggan

Ngunit talaga ngang
mapaglaro si tadhana
sinubok ang ating pagmamahalan
Pagmamahalang akala ko ring wagas

Nag-iba yata ang ihip ng hangin
Nag bago ka
Hindi na ikaw yong
Taong minahal ko

Yong taong pinangakoan ako
Yong taong hindi ko yata
kayang mawala sa akin

Mga pangako mong
Abo't langit
Pangako mong kailan may
Hindi na matutupad

102822

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon