Manliligaw

0 0 0
                                    


Isang ginoo'ng naglakas loob na ako'y makuha
Isang naghahangad ng binibining tulad ko lamang
hindi ko mawari, ano bang nakita mo sa akin
lalo't wala namang ka-ibig ibig sa akin.

Nagkaroon kaba ng sapak sa ulo
yaring nagustuhan mo ako.
Oh , aking manliligaw ikaw yata'y naliligaw
sa paghahangad namamanglaw.

Ayaw kong paasahin ka sa wala pero
naway iyong intindihing di pa ako handa
sa mga ganyang bagay ,  wala pa sa isipan .
Sa isip ko ako'y mosmus pa lamang, hayaan mo baka mawala rin yang nararamdaman mo.

Sa gitna nang baka sakali at hindi maaari
ikaw ay naghintay ng walang masintabi
kumakatok sa puso mga iniwang pangako
patuloy ka paring nandirito ,

Hindi ko rin maintindihan
tila ay napa-ibig mo rin ako
nasanay na ako sayo
sana lang ay magawa mo pang hintayin ako.

Sana sa hinaharap
ako parin ang iyong pinapangarap
Sapagkat hindi pa ito ang panahon
para tayo'y pumasok sa isang relasyon.

   ✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon