Ala-ala ng kahapon,nais maibalik
ay malabo na, ngunit dating sakit
na sa puso nito'y ipinadama
ay habang-buhay mananatili.Subukan mang kalimutan
kahapong katangahan
ay hindi na mapapalitan
mananatili sa puso't isipanSakit man o kasiyahang dulot ng
pag-ibig mo, Ngunit sa kabila ng
lahat ng ito, ipinagpapasalamat ko
ng minsang dumating ka sa buhay ko.Mga aral sa puso'y tumatak,
Mga luha ma'y pumatak,
Hindi ka mapapalitan,
Sa aking puso't isipan.Salamat sa ala-ala nating dalawa ,
Salamat sa mga minutong ako'y pinasaya,
Ngayo'y unti-unti ng mahahanaw ,
Ang pag-iibigang minsang binuo ng ikaw at ako.-DManunulat
022523

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesía⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat