Hindi ko alam kung paano
ko sisimulang aminin sayo
ang hirap kasing magpakatutuo
alam kong wala kana ring gana
sa relasyong nagkalumot na.Mga pangako mo'y tila nalimot na
na para bang wala lang lahat
kung paano ka minsang naging tapat,
kahit pa alam nating hindi tayo
karapat-dapat sa isat-isa.saksi ang buwan sa langit
kung gaano kita iniyakan
kung gaano ako nanibugho
nung ako'y iniwan mo.naisin ko man na matuloy lumaban
ngunit hindi naman ako hunghang
para patuloy kumapit kahit masakit
kaya aking naisip na ito na ang huli,kahuli-hulihang pagkakataon
na papatak ang mga luha ko
dahil lamang sayo, patawad kung suko na ako
mananatili man ako pero hindi na para sayo
pagkat puso koy tuluyan nang nadurog mo.✍️DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat