huling sandali

3 0 0
                                    


Masasabi ko na , kay gana ng kwento
na minsang ating nabuo
hindi ko lang akalain na
darating ang dulo.

Kay sarap alalahanin
ang minsang ika'y naging akin
at mga hinabilin mo sa akin
ngunit hanggang dito nalang ang awitin.

Dating himig ng ating pag-ibig
ay tuluyan ng kakabig
masaya ako at kuntento
sa naging wakas ng ating kwento

Dumaan man ang panahon
kumupas man ang ating litrato
hugis ng puso mo
ikaw parin ang itinitibok ng puso ko

Sa huling sandali
hayaan mong ipadama ko
kung gaano kita inibig ng tutuo
kahit pa ito na ang huling yugto.

✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon