Saksi ang kabilugan ng buwan

32 1 0
                                    


-

Tago-tagoan maliwanag ang buwan,
Ang sarap magmahal pag hindi ka iiwan.
Sampong numero bibilangin ko.
Kasabay ng pagkapit ko sa yo.

Isa,dalawa, tatlo.
Nawa'y maibigan mo,
Ayaw kitang sukuan,
Hangga't kaya pa kitang ipaglaban.

Apat, lima, anim.
Dinggin yaring aking himig,
Na siyang abot ng buong daigdig.
Ang wagas ng aking pag-ibig.
Nawa'y dimo paasahin.

Pito, walo, siyam.
Pag-ibig mo lang ang inaasam.
Nito'ng taong handa kang ipaglaban.
Sa hirap man o kagipitan,
Lagi lamang sa iyong kiliran.

Sa pagsapit ng sampo,
Ako'y nangangako,
Kahit makalaban pa ang buong mundo,
Handa ako, ipaglalaban kita sa makakaya ko.
At saksi ang buwan dito.

-DManunulat

(030723)

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon