binibining makata

1 0 0
                                    


Isang simpleng dalaga,
kinahiligang gumawa ng tula,
may aral sa kanyang bawat katha,
at emosiyon sa bawat talinghaga.

Misteryuso sa tingin ng iba,
mahirap makisamahan ika pa nila,
sa kanyang mga matatamis na salita
baka di umano ma bihag ka.

Hindi man ganuun ka galing
sa paghabi ng salitang gagamitin,
bawat pyesa niya'y may tagong bilin
at mensaheng nais iparating.

Sa simpleng tula'ng ito
nawa ay naunawaan mo
isa lamang akong manunulat
ninanais na maging batikang makata.

Walang tugma , pero may talinghaga
tula para sa mga tulad kong makata.
Binibini ikaw ay magpatuloy,
magsulat hanggang sa huling patak
nang ating panulat.

: DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon