Hindi sa lahat ng oras ay ayos lang na masaktan,
hindi sa bawat sandali maaring patuloy manatili.
Lahat may katapusan kahit pagmamahal man yan,
siguro lumalaban kasi ika'y natatakot maiwanan.Nakakatakot aminin ang tutuo,
pagkat naduduwag kang harapin ang sakit na kaakibat nito
at umaasa ka sa pangakong pinanghahawakan mo,
patuloy kang nakatali sa inaasahan mo.Sa oras na huli na ang lahat , tsaka kapa mamumulat
sa katotuhanang pilit mong ikinukubli .
Ganyan ang katutuhanan sa mundo,
wala naman talagang maibabago.Kahit ang dawalang pusong nangako,
nagsumpaan sa pagitan ng araw at buwan
narating rin ang araw na kapwa sila ay magbibitawan,
lalo na kung sila'y hindi naman talaga nakalaan sa isa't-isa.-DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesía⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat