*poetry
Tanong ko lang sa inyo , naranasan niyo na bang maiwan ? Pinangako an pero iniwan ng wala man lang paalam.Yong buo yong tiwala mo sa kanya,
Yong inakala mo na mahal ka niya,Alam mo yong feeling na ,
Sobrang pinanghahawakan mo yong pangako niya?
Yong tipong kahit nakakaduda , Hinahayaan mo na lang , dahil baka isiping wala kang tiwala.Yong tapat kang nagmamahal habang siya sa iba na pala ang minamahal.
Yong tipong masakit na pero dimo sya kayang iwan dahil nangako ka .
Dahil nangako , nagsumpaan kayo sa isat isa na wala ng iba pang mamahalin pa kundi ang isat isa.Pero biglang ,parang ang labo na
Yong mga pangako niyo tila napako na,
Na parang wala ng halaga sa kanya.Dahil iniwan ka na niya ng wala man lang paalam.
At mas masakit pa na , tanggap mo na hindi ka na niya mahal,Siguro naman halos lahat sa inyo naranasan ito.
Kaya kayo ,
Kapag nangako siguruhin niyong tutuparin niyo.
Kapag nagmahal kayo ,
Wag niyong ibuhos lahat ,dahil the more you love the it hurts.
Tsaka isa pa,
Para sa mga Mang -iiwan at nang-iwan .
Kapag umalis kayo sa buhay ng isang tao,
Paki usap lang matuto kayong mag PAALAM ,
Dahil hindi niyo alam kong gaano ka sakit
ang Ma-iwan.- DManunulat
061922
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat