ako ba o ako pa

2 0 0
                                    

Kumusta mahal ko,
nais ko lang ialay sa iyo,
ang tulang ginawa ko,
sa pagmamagitan nalamang nito
maipararating ko, ang mensahe ko sa iyo.

Nais ko lamang na itanong,
deretsyohin mo na lang ako,
ako ba , o ako pa,
nakakalito ba , o sadyang nahihirapan ka
na mamili ng sagot sa tanong kong ito.

Ako ba , kasi ako talaga
O ako pa kasi ako yung nandito,
Ako ba, kasi ako ang mahal mo
O ako pa kasi wala kang ibang pagpipilian.

Puso ko'y nalilito sa bawat pinapadama mo,
nanlulumbay sa mga salita mo,
sagutin nawa ang tanong ko
ako ba o ako pa.

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon