Masyado pang matagal ang hihintayin,
hindi parin kasi ako makaamin,
mahirap kahit pa gustohin,
maghihintay pa , nagbaba-kasakali.Idadaan nalang sa tula, walang tugma
pero may talinghaga, nakapaloob ang katha,
sa pamamagitan lamang nito , ay maiparamdam ko
ang lihim ko sa iyong pagsinta.Matagal pa, bago tayo maging handa,
pero matagal na kitang sinisinta.
Hindi ko maamin, makakapagbagabag damdamin
paano ko ipaparating sayo aking binbini.Ipauubaya ko nalang kay tadhana,
baka sakaling paglapitin ng pagkakataon,
at pagbigyan tayo ng panahon,
matagal pa, pero matagal na.- DManunulat
pamagat mula kay ; JM Lucresia
(070523)
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat