Nakatingin mula sa malayo
umaasa na mapansin mo,
masyadong malabo pero
baka lang maaari malaman mo
na nahuhulog ang loob ko sa iyo.Hindi na ako tatanggi
ikaw na yata ang tintangi
kaso nga lang hanggang tingin lang ako
natatakot umamamin, baka lang saktan mo
ang aking damdamin.Ayos na ako sa ganito
tahimik na nagmamahal sayo.
O sinta, wala narin akong magagawa
sapagkat may gusto kana palang iba.Kaya hanggang dito nalang ang abot kong makakaya
hindi narin ako aasa, tanging hanga lang sa iyo'y sapat na
walang halong nagpaparinig, nais kulang linawain
mas ayos na saakin na wala kang alam sa akin.Maihahalintulad ka sa mga tala
kay gandang tanawin, imposibleng maging akin.
Sa tulang walang katugma-tugma
nais kong ipaksa , ang sigaw
ng damdamin ko para sa iyo sinta.- DManunulat
Pamagat mula kay :
(070323)
P.S- hi sa crushiecakes babylabs ko charr haha yung nasa cover... wag niyong pansisnin eme lang yan

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat