MASYADO NARING MASAKIT

43 2 0
                                    

Masyado ng masakit ilaban
ang pag-ibig na'tin na talunan,
alam kong kabaliwan
ang mahalin ka ng kawagasan,

pero ipinaglaban parin kita
kahit ako'y nasasaktan na
pinaglaban kita sa paraan na
ako lang ang nakakaalam.

Ngunit ako'y nagising na
sa panaginip buhat ng pag-ibig,
pag-ibig na labag ang daigdig,
pag-ibig na akala ko'y walang makakadaig.

Pero tatapusin ko na
ang minsang kwento ng pag-iibigan,
pag-ibig na nauwi sa katangahan,
Ito na ang huling tula

Na mai'aalay sa taong minsan
kong minahal, pagkat ako'y bibitaw
na mula sa kapit , sa pangakong nahanaw
kasabay ng paglubog ng araw.

-DMAnunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon