Nasayang na pagkakataon

0 0 0
                                    

Pinili kong manatili
at kumapit kahit masakit
hinayaan kong mahalin ka ulit
at pagbiyagyan ng pagkakataon

Nasaktan mo man ako
at iniwan ng paulit-ulit
naparabang sinasabing
huwag na akong kumapit
mas pinili ko paring manatili

Sa mata nila akoy nagpapakatanga
umaasa na manumbalik
yung dating sigla
ng minsang pagmamahalang
binuo nating dalawa.

Hindi ko na alam kong
akoy mananatili pa sayo
kasi masyado nang masakit sa puso
alam ko rin namang malabo na tayo

Pero ako parin ay umaasa
na sana may pag-asa pa tayong dalawa,
na hindi pa huli ang lahat
at sana hindi tuluyang masayang
ang pagkakataong ibinigay ko sa iyo .

        ✍️DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon