BAGO KITA BITAWAN

25 1 0
                                    

-
Isang mumunting tinig
na nanggagaling sa'king dibdib
mahirap baliwalain, pagkat lalo lang
lumalakas yaring himig,

Bulong nito'y iyong ngalan.
Sinisigaw tanging ikaw,
Ayaw ka pa raw ibibitaw
Pagkat mahal nito'y tanging ikaw.

Alam nito'y malabo na ,
na ibalik yong dating tayo
pero ayaw pang sumuko
hanggat kaya pang lumaban sayo.

Nakikiusap wagka munang bumitaw,
Wagka-munang umalis
Wagka-munang lumiban
Hayaab mo munang lumubog ang araw.

Bago mo ko tuluyang iwanan
Hayaan mo munang ika'y ipaglaban
Tsaka kita susukuan
Sa kwentong'to akin ng wawakasan.

-DManunulat

(031823)

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon