Huling Pagkakataon

0 0 0
                                    

Hindi ko mawari,
kung ako'y susugal bang muli,
sa laro ni kupido,
kung sa huli rin nama'y talo.

Nagbabakasali,
baka lang maaari,
na ito'y talaga nang huli,
wala ng ulit-uli.

Susubukan,
baka ito na sa kinabukasan.
baka sakaling dina magiging luhaan,
at hanggang sa walang hanggan.

Ito na ang huli,
na ikaw ang aking pinili.
Pipiliin kita ngayon,
Sa huling pagkakataon.

  ✍️DManunulat







[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon