-
Bakit?
Bakit ka nang-iwan?
Akala ko ba ang salitang tayo,
ay walang hanggan.Akala ko ba, ako lang
Bakit nagkaroon ng siya?
Bakit may siya? Sino ba siya?
Siya na ba ang ipinalit mo sa salitang tayo?Akala ko ba , mahal mo'ko?
Bakit bigla kang lumisan?
Nang hindi man lang nagpapaalam?
Pinangako mo nga diba?Umaasa ako na tutuparin mo,
Akala ko ba ? O akala ko lang ba?
Siguro nga masyado lang,
akong umasa sa mga pangako mo.Kailan?
Kailan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan pa? Kailan mo nasigurong,
hindi na na ako ang mahal mo?Kasi hanggang ngayon,
ikaw parin, ikaw parin talaga.
Kailan ko kaya matatanggap,
na hindi na ako ang mahal mo?at, Paano?,Paano ko matatanggap ?
Na ang masasayang ala-ala
nang kahapon nating dalawa,
tuluyang nahanaw na.Sabihin mo, papaano?
Paano ko kakayanin?
na harapin ang bukas makalawa,
Kung sa tabi ko'y wala kana.Sana dumating ang araw,
Isipan ay malilinaw,
Masagot sana ang mga tanong na,
Bakit?, Kailan?, at Paano?- DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poetry⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat