UNA'T HULING TULA PARA SAYO

39 2 0
                                    

Sa pagtatapos ng ating kwento
Nais ko sanang ialay sayo
Ang una't huli kong tula para sayo,
Sa pagtatapos ng ating kwento.

Ipagpatawad kong ako'y naduwag,
ilaban kay tila mahirap na,
pagkat natapos na ,nahanaw na,
ang dating init ng ating pag-ibig.

Ipinagpapasalamat mga ngiting
sa labi dulot ng minsang pag-ibig,
Mga pangakong nawaglit,
ala-alang nagbigay sakit

Hiling ko lamang sayo,
Sa pagbitaw ko sa kamay mo
ay hawakan mo ang palad ng
taong nararapat sa pag-ibig mo.

Hindi man ako ang makakasama mo
sa pagtupad ng mga pangarap mo,
masaya parin ako munting ala-alang,
Meron ang ikaw at ako.

📝DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon