MAGKAIBIGAN

70 3 0
                                    

Sabay na sumibol sa mundong puno ng pagsubok,
Sabay na ngarap ng kinabukasang marangya,
Inosenteng naging sandalan ng isat-isa,
At sabay na sinubok ang mga bagay sa mundo,

Magbago man di umano ang hugis ng mundo,
O gaano man ka raming pagsubok ang dumating,
ito'y sabay na haharapin, dalawang bulaklak
sa isang pasong puno ng tinik.

Ng sila'y pinitas , sila'y pinaghiwalay
ang isa'y napasama, sa magaganda't makikintab
habang ang isa'y inipon sa gawa-gawa
ng makakasalanang mga kamay,

Ang bawat isa'y nalimot ,
dating ala-ala'y nilimot,
dalawang bulaklak na sabay sumibol,
ito na ngayo'y ipinaglayo

Dalawang bulaklak na ito'y silbing simbolo,
sabay mang sumibol at nangarap,
ang tadhana parin ang magdidikta,
kung magkasama silang malalanta.

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon