'di naging ako

1 0 0
                                    

Nung una palang,
alam kong ako'y nanghiram
pag-ibig na inaasam
hanggang kathang-isip ko lang.

Sinubukan ko naman
napigilan na lang
pagmamahal sayo
na hindi mo kailan man
mararamdaman.

Siguro nga ilusyon ko lang
lahat ng inakalang napagsamahan,
dahil ni minsan hindi nabuo
ang salitang tayo

at walang naging ikaw at ako ,
sa simula palang ng ating kwento
umasa lang ako
at nabulag sa pagmamahal sa iyo.

Sana magising
sa magandang panaginip
masakit aminin na hindi naging ako
ang bida sa kwento.

- DManunulat

-- pamagat mula kay;

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon