Sa hindi inaasahang panahon,
pinagtagpo tayo ng pagkakataon.
minahal ng totoo,
pero kontra ang mundo.Pag-ibig na nabuo ,
sa puso ng dalawang tao
ay sinubok ng daigdig.
Akalang pag-ibig ay walang makakadaig,ay ngayon na'y magwawakas.
Siguro nga nagmahal tayo sa tamang tao,
ang kaso, sa maling oras nabuo.
Tutuldukan ko na ang kwento.Kwentong inakala kong walang hanggan,
nagkaroon na rin pala ng katapusan,
dalawang taong pinana ni kupedo
sa tamang tao ,sa maling panahon.Sa tulang walang katugma-tugma
nais ko sanang ipadama sa magbabasa,
Sa hindi inaasahang pagkakataon mo
makikilala ang taong para sa iyo.📝 DManunulat
BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Thơ ca⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat