Sa bawat tulang ikakatha
mananatili kang paksa,
sa bawat awiting aawitin
sayo
nais iparinggin.Himig ng pag-ibig
abot ang buong daigdig,
sa lilim ng bawat gabi
sa iyo parin mananatili.Sa bawat patak ng luha
na sayang ng mga mata,
masakit man ang napadama
ikaw parin ang nais makasama.Hindi ito pambobola
ikaw at ikaw lamang sinta
di ko ipapangakong mananatili sayong piling
sapagkat maaaring ang pag-ibig ay magwakas.Sa kwentong nilalarawan
ng tulang aking nagawa,
pag-iibigan nating dalawa
ang siyang paksa: DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesie⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat