Simpleng tagahanga mo

0 0 0
                                    

Ikay hinangaan ko ,
sa mga mata mo palang naakit na,
sa mga ngiti mo ay nahulog,simpleng crush lang kumbaga.
Lintik nga lang e, bat ko ba sinabi sa mga kaibigan ko,
yan tuloy nakarating sa iyo.  Sa bawat daan ko sa room niyo, inaasar tayo ng mga ka klase mo, big deal ba talagang magkagusto sa iyo.

Ilang araw at buwan na ang lumubog , pero hanggang ngayon naririto parin ako na tagahanga mo.
Sapat na sakin ang ganito , diko rin naman hinangad na gustuhin mo, ang tutuo wala sa plano na ipaalam sa iyo.
Nalaman mo ngalang , nang diko iyon inaasahan.

Hanggang sa napag-alaman ko,
Meron ka narin palang ibang gusto, hindi naman ako
apektado sa nalaman ko, kinapa ko ang nararamdaman ko
walang sakit na naka-ukit , kasi tanggap ko din naman ito.
Kita ko rin namang masaya ka tuwing nandiyan siya.

Sa ngayon pinipilit kong kalimutan ka, hindi naman leteral na mawawala ka sa isip ko, gusto lang maka-get over sayo
mahirap para sakin kasi naman lagi kitang nakikita,
iwasan ko man ay talagang pinaglalaruan tayo ng tadhana.

Ito ang una at huling tula, na ikaw ang paksa
nais ko lang mailabas ang nadarama, sapat nang minsang nakilala ka, walang tugma pero may emosiyon, na sayo naka atensiyon, lubos kong pinagpapasalamat kay cupido
minsang pinana sa iyo, sablay man ay naging bahagi naman ng aking buhay.

Sa uli't huli, diman ako ang napili.
paghanga sa iyo ay diko ikukubli.
Sa alaala ikay mananatili,
hindi man tayo pagtatagpuin muli.

          ✍️ DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon