Sa pagitan ng ikaw at ako

0 0 0
                                    

Sapagitan ng ikaw at ako,
pag-ibig ay di inakalang mabubuo.
Sa gitna ng tama o mali,
pagmamahalan ay namutawi.

Lilim ng dilim,
mga lihim na di maamin,
ay ibinunyag ng ating damdamin,
naway di' mo paiiyakin , yaring damdamin.

Hahayaang kumapit , sa talim ng pag-ibig
kung wagas nga ba ang iyong pag-ibig
Sa pagitan ng pag-ibig at atraksiyon,
Iyong nilinaw ang intesiyon.

Nawa'y tunay yaring pagmamahal,
Pagkat natakot ng maging hangal.
Sa pagitan ng ikaw at ako,
nawa'y kinabukasan ay mabubuo.

✍️DManunulat

• Plagiaricism is a crime
• open for criticism

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon