Bakit ba dina lang natin hayaan ?
Hayaan na lumaya ang mga puso,
Pusong nagdurugo, dulot ng pag-ibig
Pag-ibig na wari'y tutuoBakit di mo nalang palayain?
Kaysa patuloy na isiping,
Mababalik pa ang kahapon,
Kahapong masyado ng malabong maibalikBakit dimo nalang kaya hayaan?
Hayaang sumaya ang pusong
Lubos ng nasaktan
Hayaang sumaya sa piling ng ibaBakit ba hindi kita kayang palayain?
Kahit pa nagmumukha nakong tanga,
Isip koy pangalan mo ang sinisigaw,
Puso ko ata'y baliw na sayoBakit kaya ako'y nabulag?
Nabulag sa katutuhanan,
Katuthanang kay sakit tanggapin
Na hindi rin naman kayang harapinKailan kaya darating ang umaga?
Umaga na kaya na kitang bitawan
Kailan kaya sisikat ang araw,na malaya na ang nakarehas nating damdamin-DManunulat

BINABASA MO ANG
[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)
Poesía⚠️ Koleksyon ng mga tulang aking nagawa . Mula: 2022-2023 📌 Ang bawat tula'ng inyong mababasa ay nakabasi sa tutuong kwento ng buhay ng may akda. © Mahigpit na ipinagbabawal na kupyahin ang anumang pyisa nakapaloob dito. may akda: DManunulat