marahuyo

1 0 0
                                    


Mga alaala ng nakaraan
nanunumbalik sa isipan
kung paano tayo nagkakilala
at mga pangakong nabitawan na

Marahuyo na nakilala ka
mga iniwan mong paalala
at minsan mong pagsinta
mananatili ka sa puso , sinta

Sa susunod na kabanata ng kwento
babaunin ko ang mga iniwan mo
magbago man ang takbo ng mundo
mananatili ka sa alaala ko.

Hindi man naging buo
ang ikaw at ako
masaya parin ako
nang minsang naging
bahagi ka ng buhay ko

-DManunulat

[Mga Tula ng Buhay] - (Tagalog Poem & Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon