"Trixie, are you listening?" Nabalik ako sa ulirat ng hawakan ni Greg ang kamay ko at dinala 'yon sa labi niya. Umawang naman ang labi ko at naisatinig ang salitang 'what' ngunit wala namang boses na lumabas sa bibig ko.
Bumuntong hininga siya at ngumiti ng pilit. Napakagat naman ako sa labi ko at tumawa ng peke. God. Ano ba'ng nangyayari saakin?
"S-sorry, Greg, ano ulit 'yong sinabi mo?" sumimangot siya at binitawan ang kamay ko. Naibagsak ko ang aking balikat sa ginawa niya. Goodness, Trixie! Heto at kasama ko si Greg, ang lalaking pinakamamahal ko, pero ang isipan ko ay na kay Jackson. Napapikit ako ng mariin at lumipat sa tabi niya.
"Sorry na, Greg, iniip ko lang kasi iyong assignment namin sa Math" pagdadahilan ko pero totoo talagang problemado ako sa Math at pinalungkot pa ang boses ko. Tumawa naman siya at kinurot ang pisngi ko.
Ramdam ko ang pamumumula ng mukha ko sa ginawa niya, lalo pa at ang lapit namin sa isa' isa. Ang heart shaped niyang mukha, ang may kakapalan niyang kilay, ng nag i-isaprk niyang mata, ang matangos niyang ilong. At ang labi niyang kay nipis na bumagay sa kakisigan niya. Isama pa ang spiky niyang buhok na ang ilang hibla ay natatakapan na noong mata niya. Ang gwapo gwapo talaga ni Greg, kaya marami rin ang nagkakagusto sa kanya. Dagdag appeal rin ang pagiging Math Wizard niya, na siyang naging daan para magkakilala kami. I hate Mathematics, pero laking pasasalamat ko sa subject na 'yon dahil doon ko unang nakasalamuha si Greg.
"What's with your assignment, Trix? Pakita nga at ako na ang gagawa" Sumilay ang ngiti sa labi niya na nakakapaglambot ng husto sa tuhod ko. Siguro kung boyfriend ko na siya ngayon ay mas magiging sweet pa siya.
Linabas ko ang notebook sa Math at binigay iyon sa kanya. Tumawa pa siya bago 'yon kinuha kaya naman hinamapas ko siya. Kainis! Aasarin nanaman ako nito dahil mahina ako sa subject na 'to. Kasi naman, ba't hindi ko naman 'yong talino ni Carlos sa Math!
"What? Kahit na mahina ka pa sa Math, it doesn't matter, Trixie. Iyang puso mo ang habol ko. Iyang Math na 'yan? Madali lang iyang unawain, pero ang makuha ko ang trust mo? Doon ako nahihirapan" ilang segundo akong natigilan sa sinabi niya.
Alam kung sabik na siyang marinig ang 'oo' ko. Alam ko ring gustong gusto na niya akong maging girlfriend, kita ko naman iyon sa effort niya. At sa tuwing magkasama kami ay nahuhuli ko siyang laging nakatitig saakin. But this time, ako naman ang napatitig sa kanya habang seryosong ginagawa ang assignment ko. I trust you Greg, alam kung iba ka sa ibang lalaki. Ang sarili ko lang ang kinokumbinsi ko.
Tatlo pa lang ang nagiging boyfriend ko, lahat sila ay iisa lang ang naging problema ko. Kaliwa't kanan ang babae nila habang kami pa, nakakawalang gana ang ganoon. Hindi rin naman kasi ako seryoso sa kanila at mabilis lang akong maumay sa isang relasyon kaya naman nakikipag break ako kaagad. Pero ngayon, iba na ito. Greg is different, mas may karansan siya sa isang relasyon, mas alam niya kung paano i-handle ang isang bagay. Mas mature siya at, sakanya ko lang naramdaman ang ganitong pag aaruga habang liniligawan.
Hindi pa kami, pero pakiramdam ko boyfriend ko na siya. I feel like special. At dahil doon ay mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Napahinto siya sa pagsusulat at napatitig saakin. Binitawan niya ang ballpen at hinarap ako, nginitian niya ako kaya naman nginitian ko rin siya habang hinahaplos niya ang pisngi ko."Iniisip mo ba ang sinabi ko, Trix? Sinabi ko naman sa'yo, na lahat ay gagawin ko mapasagot lamang kita. Hindi naman kita minamadali, I'm always here, waiting, waiting for you, Trixie" Unti unting nabalot ng pagmamahal ang puso ko sa sinabi niya. He always knew what to say, he always knew where to find the right words. Ang genuine niyang tao.
Wala sa sarili akong napayakap sa kanya na siyang ikinagulat niya. Ito ang unang beses na nagyakapan kami, and I am the one who initiated.
"Greg, give me time. Finafinalize ko lang iyong desisyon ko. Alam mo namang hindi ikaw ang unang lalaking nanligaw saakin. Gusto ko kasi iyong seryoso ng relasyon, hindi katulad noon na katuwaan lang" Humiwalay siya at hinaplos ang buhok ko. Even his smile, sobrang genuine.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...