"Jackson, hindi mo dapat sinabi 'yon kay Raphael! Sabi mo ipapakilala mo ako, tapos hihilain mo lang din naman pala ako" ngumuso ako ng makarating kami sa isang kwarto. May sofa sa tabi ng lamesa, naka carpet ang sahig may TV rin at maliit na ref sa gilid. Bukod doon ay wala ng ibang laman ang kwarto.
"Trixie, ang sabi ko ipapakilala kita. Hindi ko sinabing kilalanin mo rin sila, at higit sa lahat ay ang makipag kamay" masungit niyang sabi at pinampag pa ang sofa kahit hindi naman 'yon maalikabok at mwinestra saakin. Sinimangutan ko siya at umupo doon.
Pansin ko ang pagbuntong hininga niya bago linapag ang bag ko sa lamesa at umupo sa tabi ko.
"Trixie, kilala ka na nila. Ayos na 'yon. Atsaka, baka mamaya pagkaguluhan ka nila. Edi nawalan ka na ng oras saakin" ani niya. Umiwas ng tingin at pinagekis ang kamay niya sa dibdib.
"A-ano? Jackson, kaibigan mo sila. Ano ba'ng sinasabi mo!" hindi maitago ang inis sa aking boses. Are he showing his possessive side? Sumimangot siya at dumikit saakin dahilan para kabahan ako at magsitaasan ang mga balahibo sa katawan ko. Too close!
"Trixie, kailangan mong itatak diyan sa isipan mo, na, shit!" mura niya at ginulo ang buhok niya. Para siyang nafrufrustrate. Ano ba'ng problema ng lalaking 'to?!
"Jackson!" singhal ko. Seryoso ang mukha niya at napapikit ng mariin.
"Masyado kang maganda, Trixie. Dapat ako lang ang nakakakita niyan. Madamot ako, kay Greg pa lang, nasasakal na ako. Sa mga kaibigan ko pa kaya? Please. Sungitan mo sila" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. What? Ano'ng ibig niyang sabihin?
"Trixie, shit," naihalamos niya ang kanyang palad sa mukha. "Hindi mo ba nakita 'yong tingin nila sa'yo? Naatract sila sa'yo! Katulad noong una kitang nakita. Tangina! Dapat hindi na kita dinala dito!" patuloy niya at naglakad ng walang patutunguhan sa harapan ko. Ginugulo pa niya ang kanyang buhok at may binubulong na karamihan ay puro mura.
Hindi ko maiwasang mamangha sa taglay niyang kakisigan. We're just high school student. Ilang buwan na lang ay makakatapos na kami. Ang katawan niya, maikukumpara na sa mga lalaking nasa 20 ang edad. Sharp jaw. Pansin ko pa ang pagkiskis ng kanyang ngipin dahil gumagalaw ang perpekto niyang panga. Maumbok narin ang Adam's Apple niya na napakamanly kung titgnan. Ang buhok niyang palaging magulo na parang hindi uso ang mag suklay sa kanya. Ang mata niyang expressive, ang ilong niyang kay tangos. At higit sa lahat, ang labi niyang perperkto ang pagkakahulma at namumula pa.
Jackson is definitely a one hot guy. Napapaisip tuloy ako kung ano'ng meron sa likod ng kupas niyang damit. Napailing ako at kingat ang ibabang labi. Posible pala ang ganito. Ang makakita ng napakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Damn! Fantasizing over Jackson.
"Jackson, na prapraning ka lang" ang tangi kung nasabi. Huminto siya at pumeywang sa harapan ko.
"Sana nga, Trixie. Iniisip kung lahat ng lalaki ay nagkakagusto sa'yo. Hindi pwede 'yon, puta!" Nanliit ang mata kong tumingin sa'yo.
"Huwag ka ngang mag mura! Ayoko sa mga lalaking nag mumura!" nag igting ang panga niya. Tinukod niya ang kanyang kamay sa lamesa at linapit ang mukha saakin. Our face is half inch away. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
Good Lord! Naghaharumentado nanaman ang buong sistema ko. Napalunok ako ng magtama ang mata namin.
"Talaga, Trixie? Tignan natin. Kapag tuluyan ka ng nakawala kay Greg. Sisiguraduhin kung, mamahalin mo ng sobra kung ano'ng meron kay Jackson" inismiran niya ako at kinagat ang ilong ko na siyang kinagulat ko.
"Jackson!" pinanlakihan ko siya ng mata ngunit tinawanan niya lang ako at umayos ng tayo.
"Mahal kita, e. Sige, hindi ako magmumura kapag kasama kita. Pipigilan ko, para sa'yo, Trixie ko" kinindatan pa niya ako bago iniwan.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Mabibigat ang aking paghinga, ang lakas ng epekto saakin ni Jackson! God. Ganito ba niya talaga ako kamahal? Na halos lahat ng sinasabi ko ay sinusunod niya? Ilang sandali pa ay bumalik siya na may hawak hawak na dalawang coke in can at mamon. Bigla tuloy akong nagutom, hindi pa ako nananghalian dahil sa nangyari saamin ni Greg kanina. Umiling ako at umayos ng upo. Not Greg. Not now.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...