Kabanata 11: Boyfriend

847 19 0
                                    

Wala na akong nagawa at tuluyan ng lumabas ng room dala ang bag ko. Sinulyapan ko pa si ma'am at ang phone ko ngunit tinaasan niya lang ako ng kilay at tinalikuran. Napakagat ako sa ibabang labi at umupo sa bakanteng upuan. Shit! Kasalanan ito ng pesteng Jackson na iyon! Paano nga kung pumunta siya dito dahil hindi pa ako nagrereply? Goodness! Hindi maari! Hindi pwede!

Naghaharumentado na ang puso ko at palakad lakad dito sa labas ng room. Napakagat pa ako sa daliri ko at tumigil sa paglalakad. God! Nakakabwisit! Ang sarap murahin ng lalaking iyon! Bakit ba niya ako inaabala! Kung hindi pera ang habol niya saakin, bakit niya pilit na kinunuha ang atensyon ko? Twenty minutes pa bago mag time. Ngayon pa lang ay kabadong kabado na ako. Kailangan kung itext si Jackson na huwag siyang pumunta dito.

Lalo pa at hindi alam ni Greg na magkakilala kami. Oh God! Isa pa si Greg, kailangan ko siyang makausap. Tumakbo ako palabas ng building namin at pumunta sa college department. Sa pagkakaalam ko ay vacant niya ngayon, iyon nga lang at hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Pagkarating ko sa building nila ay kaagad kung hinanap kung nasaan siya. Dumiretso ako sa third floor dahil doon sila parating tumatambay. Kaagad ko namang nakita ang mga kaibigan niya ngunit hindi ko mahagilap si Greg.

"Trixie?" nanlaki ang matang tanong ni Miko ng makita ako. Napatingin rin saakin si Dan at Herald. Lahat sila ay gulat ng makita ako.

"Si Greg?" anas ko at linapitan sila. Nagpalipat lipat naman sila ng tingin at pansin ko ang pag papanic nila.

"A-ang akala namin magkasama kayo" sagot ni Harold.

Unti unting lumambot ang tuhod ko at pakiramdam ko ay sasaluhin na ako ng sahig. Uminit ang sulok ng mata ko at napahawak ako sa dibdib ko. Pero kanina pa siya umalis. Oh God! Nasaan si Greg?! Huwag niyang sabihing hindi siya pumasok?

"Kanina pa kami naghiwalay" paos ang boses kung sabi. Kumunot naman ang noo ni Dan at napatakip sa bibig niya.

"What? Pero hindi pa siya pumasok, ang alam namin magkasama kayo dahil 'yon ang sabi niya saamin kanina" napaawang ang labi ko at nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Kung ganoon, umiiwas nga talaga saakin si Greg? Napailing ako at napatakip sa mukha ko. Where the hell are you Greg?! Dinamdam niya ba iyong nangyari kanina? Shit! No!

"Nag away ba kayo, Trixie?" Segunda ni Herald. Napailing ako at tumingala upang huwag tuluyang tumulo ang luha ko.

"May hindi lang kami napagkasunduan, sige mauuna na ako. Hahanapin ko na lang siya" Bumuka ang bibig ni Miko at may sasabihin pa sana ngunit hindi ko na siya pinansin at linisan ang building nila. Pumunta akong soccer field at nanghihinang umupo sa damuhan.

Tumakas ang butil ng luha sa mata ko kasabay noon ang unti unting panginginig ng katawan ko. Why am I even feel this pain? Simply because I love Greg. At ang sakit sakit isipin na iniiwasan niya ako dahil lamang sa nangyari kanina. Ang gaga ko! Ang gaga ko! Kung sana ay nasabi ko sa kanya ang nais kung sabihin ay hindi na sana ito nangyari pa. He even cut school! Napapikit ako ng mariin at pinunasan ang luha ko. I need to find him. Kailangan ko ng sabihin sa kanya na mahal ko rin siya.

Tumayo ako at aalis na sana ngunit nahagilap ng mata ko si Greg na ngayon ay wala sa sariling naglalakad. Nanlaki ang mata ko at tinakbo ang distansya namin. Sumilay ang matinding kaba sa dibdib ko at humarang sa dinaraanan niya. Mula sa pagkakayuko ay napatingala siya at gulat ng makita ako.

"Greg" malungkot kung sabi at lumapit sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya at pinunasan ang gilid ng mata niya.

"T-Trixie? What are you doing here? Hindi ba't mat klase ka?" umiling ako at dinamba siya ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang pagkakaestatwa niya sa ginawa ko at hindi man lang nakagalaw.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon