IG: @alixiousss
Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namalayan at bukas na ang hinhintay naming araw. Graduation Rites, at makakapagtapos na kami ng Highschool. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang plinaplantsa ang uniform ko na siyang gagamitin ko bukas.
"'Nak, tapos ka na ba diyan? Dinner is ready." ani daddy mula sa labas ng kwarto ko.
"Coming, daddy!" Sagot ko at inayos ang plantsa. Hinanger ko ang uniform at linagay sa kabinet bago lumabas ng kwarto. Nagtuloy ako sa kusina at ako na lang pala ang hinihintay nila. Umupo ako sa tabi ni Carlos at naglagay ng kanin sa plato ko.
"Excited?" sambit ni mommy na may malawak na ngiti sa labi. Tumango ako at siniko si Carlos. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit tinawanan ko lang ang loko. Mukhang bad trip ang isang 'to.
"Well, ang balak namin ni Theresa ay sa Ateneo na lang kayo mag-aaral ng College. You know, it's our Alma Matter." ani daddy at sumulyap kay Carlos.
"How about you, Carlos, nakapag decide ka na ba sa kukunin mong kurso?" napatigil sa pagsubo si Carlos at kumunot ang noo.
"Hindi ko pa alam, dy, siguro ay gagayahin ko na lang si George." ganti niya at nagkibit balikat.
Umikot naman ang mata ko at sumipsip ng tubig. Wala bang sariling desisyon ito sa buhay at lagi na lang na kay George ang desisyon? E, mukhang kukuha ng kursong kompyuter ang isang 'yon. How about his business? Ang kompanyang naiwan ng parents niya na si daddy muna ang humahawak? Huwag niyang sabihing uunahin niya ang kompyuter kaysa sa Hiron Enterprises.
"Ikaw, Trixie?" bumaling saakin si daddy. Tumikhim ako at bago sumagot.
"I'm fine with Business Ad, dy." tumango tango siya at nagkatinginan sila ni mommy.
"Finalize your decision, Carlos. Magtatake na kayo ng exam sa Ateneo. Sumabay na kayo kila George kung ganoon since parehas lang din naman kayo ng papasukang school." ani mommy. Tumango kami bilanh sagot ni Carlos at nagpatuloy sa pagkain.
Kinabukasan ay maaga akong gumising kahit ala una pa naman ang graduation namin. Kinuha ko ang phone ko at nag pigil ng ngiti ng makita ang text ni Jackson. Oo nga pala at ngayon din ang araw ng graduation nila.
Jackson:
Goodmorning, Trixie! Magkikita ba tayo ngayong umaga? O mayang hapon na lang. Ano sa tingin mo? Busy ka ba ngayon? I love you. Mwa!Kinagat ko ang ibabang labi at nagtipa ng irereply.
Ako:
Goodmorning din. Uhm, mayang hapon na lang? Mag papaparlor kasi kami ngayon nila mama. Alam mo na, graduation na mamaya. I love you too :)Mabilis ko namang natanggap ang reply niya.
Jackson:
Ganoon ba? Gusto ko sana magkita muna tayo. Anyway, maghihintay na lang ako plaza pagkatapos ng graduation.Nang matapos ang maikling pagtetext namin ni Jackson ay naligo na ako at bumaba. Nadatnan ko si Carlos na busy sa phone niya. Mukhang handa narin siya sa pag alis since bagong ligo lang ang mokong at amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Binukbok mo ba sa katawan ang isang bote ng pabango?" Ani ko at tinaasan siya ng kilay. Inirapan niya lang ako at tinalikuran.
Aba at! Napakasungit ng lalaking 'to! Muli akong umirap at umayos ng tayo ng makita si mommy at daddy na ngayon ay pababa na ng hagdan.
"Let's go?" masayang saad ni daddy at umakbay saakin. Sinukbit naman ni mommy ang kamay niya sa braso ni Carlos at nauna ng lumabas ng bahay.
"Ba't mukhang namatayan 'yang pinsan mo?" nagtatakang tanong ni daddy habang palabas kami ng bahay.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomansaSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...