Ilang beses akong napakurap at tulalang napatitig sa seryoso at kalmado niyang mukha. Halos hindi gumana ang utak ko at natanggal na lahat ng turnilyo nito. Kinalawang na yata lahat ng ugat sa isipan ko at hindi ko magawang i-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Naging abnormal nanaman ang tibok ng puso ko at sasaluhin na yata ako ng sahig sa sobrang kaba. Gusto ko siyang itulak ngunit hindi ko magawa, nawawalan ako ng lakas sa sinabi niya. Napasinghap ako at sinubukan siyang itulak gamit ang buong lakas ko ngunit hindi sumasang-ayon saakin ang katawan ko.
Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko. Dapat hindi ako magpakita ng hint na naapektuhan ako sa sinabi niya. It's too dangerous. Ni tingin niya ay hindi ko magawang salubungin.
"Why are you saying these? Wala kang mapapala saakin. Leave me alone Jackson. Kung ano man ang intensyon mo, please, itigil muna, dahil hindi ako mapapasaiyo" mariin kung sabi at bawat salitang binibitawan ko ay makahulugan. Ngunit parang hindi man lang siya natakot sa sinabi ko dahil nanatili paring nakatitig saakin ang mukha niya.
Napapikit nanaman ako ng mariin at tinulak siya. Mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ko kaya naman napaatras siya ng kaonti. Kinuha ko ang pagkakataong 'yon upang makawala sa pagkakasandal sa pader ngunit mabilis nanaman niyang itinungkod ang dalawang kamay sa gilid ng mukha ko. Shit! Nakorner nanaman ako!
"Ano ba! Hindi mo ba naiintindihan 'yong sinabi ko? Huh?! Mr. Javier! Pakawan mo na ako, bago kita kasuhan ng sexual harassment!" nanlilisik ang mata at pigil pigil ko ang aking galit na sabi ngunit hinaplos lang niya ang mukha ko kaya naman, dumaloy nanaman ang ilang boltahe ng kuryente sa katawan ko.
"Sexual harassment? Alam mo ba ang ibig sabihin niyan?" nag alburoto nanaman ako sa galit sa sagot niya.
"Oo! Itong ginawa mo saakin! Sex-" hindi ko natapos ang sasabihin ko at naramdaman ko na lang ang labi niya sa labi ko.
Nanlaki ang mata ko at nabato ako sa kinatatayuan ko. Napaawang ang labi ko kaya naman kinuha niya ang pagkakataong iyon upang ilagay ang upper lip niya sa nakabukas kung labi. Nakapikit siya at parang dinadama niya ang magkalapat naming labi kahit hindi naman iyon gumagalaw.Lasang lasa ko ang sigarilyo sa labi niya at lipstick na gamit ng babaeng kahalikan niya kanina. Shit! This is all wrong! My boyfriend na ako kaya hindi ako pwedeng magpahalik sa lalaking ito. Kakapusin na ako ng hininga at tuluyan na akong matutumba kung hindi lang ako nakasandal sa pader.
Tuluyan na akong hindi nakagalaw ng igalaw niya ang labi niya at mabagal na gumagalaw ang labi niya sa labi ko. Napalunok ako kaya naman mas dumiin ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako sa sensayong nadaramam. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot na baka may makakita saaming ibang tao. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Ang alam ko lang ay, bawal ito. Bawal ang ginagawa ni Jackson. Bawal dahil boyfriend ko si Greg at mahal ko siya.
Ibinukas ko ang mata ko at bumungad saakin ang hirap na hirap niyang mukha. Mabibigat ang paghinga niya at nakatitig sa labi ko. Napapikit siya at muli nanamang siniil ang labi ko. Imipit akong napasigaw sa labi niya at pilit siyang tinulak. Oh my God!
"Ano ba! Gago ka!" Sinampal ko siya ng dalawang beses kaya naman bahagyang tumagilid ang mukha niya at dumugo ang labi niya. Rumagasa ang galit sa katawan ko ng ngumisi pa siya at pinunasan ang gilid ng labi niya.
"Iyon ang sexual harassment, Trixie. Ulitin pa natin gusto mo?" Muli ko siyang sinampal at tumulo ang butil ng luha sa pisngi ko. Ano'ng karapatan niyang insultuhin ang kahinaan ko bilang isang babae. Nanlaki ang mata niya at hahawakan na sana ang pisngi ko ngunit tinampal ko ang kamay niya."Stay away from me! Demonyo ka! Gago ka! Wala kang awa! I hate you!" napuno ng takot ang mukha niya at pansin ko ang panginging ng katawan niya.
"Trixie, so-sorry, hindi ko sinasadya" tumawa ako ng peke at pinaghahampas ang dibdib niya.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...