"You're not going to eat your food, 'nak?" mula sa pagkakatunganga sa kinakain ko ay napaangat ang ulo ko ng tawagin ako ni mommy. Bumuntong hininga ako at ngumiti ng pilit.
"Of course, I will! Luto mo kaya ito, 'my." pinasigla ko pa ang boses ko upang bigyan sila ng assurance ni daddy.
Tumawa ako ng peke at muling itinuon ang pansin sa hapag. Damn it, Trixie! What is wrong with me! Sumubo ako at mabagal na nginuya ang pagkain. Napatingin ako kay Carlos, nakakunot ang noo niyang nakatingin saakin habang hinihiwa ang karne sa plato niya. Ngumiti ako ng malungkot at pilit na linunok ang pagkain.
Apat na araw na simula noong naghiwalay kami ni Jackson. And until now, wala na akong balita sa kanya. I don't even care about him anymore. He hurt me, we broke up. Patunay lang na hindi ko na dapat siya inaalala. But damn myself! Because I miss him so much.
Napapikit ako ng uminit ang sulok ng mata ko. Sariwa parin saakin ang panglolokong ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na ipagpapalit niya ako sa isang matanda. Mas importante ang pera sa kanya kaysa saakin.
"How was your school, hmm?" tanong ni daddy kay Carlos. "Hindi mo pa ba pagtutuonan ng pansin ang kompanya ninyo?" patuloy niya.
"Dad, napagusapan na natin 'yan. Hayaan muna ninyo akong ienjoy ang course ko, please? Saka ko na 'yon proproblemahin kapag nakagraduate na kami."
"Hayaan mo muna siya, ano ka ba!" tinampal ni mommy ang balikat ni daddy kaya naman lumabi ito.
"Alam ko naman iyon, Theresa. Baka sakaling mag-iba lang ang isip ni Carlos." natatawa pa niyang sabi bago nagpatuloy sa pagkain.
Tungkol sa plano ni daddy at Carlos sa kompanya ang napag-usapan habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain. Tahimik lang kami ni mommy na nakikinig sa kanilang dalawa at panakang tumango tango sa diskusyon nila.
Nang matapos kaming kumain ay dumiretso ako sa kwarto. Kinulong ko ang sarili sa kumot at linubog ang sarili ko sa kama. I'm always like these every night. Ayaw kong pumasok sa isipan ko si Jackson kaya naman kahit hindi pa ako inaantok ay pinipilit ko ang sariling matulog. I don't want to think about him. Bumabalik lang ang sakit na nararamdaman ko kapag naaalala ko siya. I'll end up crying again and I hate it. He don't deserve my tears.
Kinaumagahan ay maaga akong gumising. Sumabay ako kay Carlos at tahimik habang binabagtas namin ang daanan papuntang school. Hindi ko alam kung ilang beses akong napabuntong hininga habang papalapit kami sa school. Umaasa akong madadatnan ko si Jackson sa tabi ng gate at naghihintay saakin. Ngunit mukhang wala na siyang balak magpakita saakin. Bakit pa nga ba ako aasa sakanya? Malamang at naliligo na 'yon ng salapi. I have to move on.
"You okay?" tanong ni Carlos matapos niyang ipark ang sasakyan.
"Yeah." tipid kong sagot at mabilis na lumabas ng sasakyan niya. Halata sa mukha niyang nagaalala siya saakin at alam kong madami siyang gustong tanungin. Not now, dahil wala pa akong lakas ng loob na sagutin ang mga tanong niya.
Sa kalagitnaan ng klase ay tahimik ako. I'm spacing out. Kung hindi pa ako sisikuin ng katabi ko ay hindi ko na alam ang nangyayari sa palagid ko. Napapikit ako ng mariin at umiling. No! Kailangan ko na itong itigil! Hindi na ako babalikan ni Jackson dahil masaya na siya sa sugar mommy niya.
"Trixie, are we okay?" napatigil ako sa pagsusulat habang nasa likod ng building namin ng lapitan ako nila Fatima. Inikot ko ang ballpen sa lamesa at huminga ng malalim. Iniwasan ko sila matapos ang nangyari, I don't think na kailangan ko pa silang kaibiganin. Bitter na kung bitter pero, ayaw ko ng mga bagay na makapag papaalala kay Jackson. And it's Fatima.
"You're avoiding us, may nagawa ba kaming kasalanan sa'yo? We're friends right?" segunda ni Sheena. Hindi ulit ako sumagot at nagpatuloy sa pagsusulat.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...