Kabanata 28: Chance

682 18 0
                                    

Ilang segundo akong napatitig sa direksyong dinaanan ni Jackson bago niya ako tuluyang iniwanan. Gusto ko siyang sundan at sabihing, siya ang pipiliin ko ngunit hindi ko maigalaw ang mga paa ko dala ng gulat. Totoo ba ang nakita ko? A tear fell on his cheek. Iniyakan nanaman ako ni Jackson. Humugot ako ng malalim na buntong hininga at tinahak ang direksyon papuntang bahay namin.

Sumilay ang kaba sa dibdib ko ng makita si Greg. God. Ano ang sasabihin ko sa kanya? Buo na ang desisyon ko, pero, paano si Greg? I cheat on him. Muli ako bumuntong hininga at kinalma ang naghaharumentado kong sistema. Tumikhim ako ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.

"Sweety, Jesus!" dinamba ako ng yakap ni Greg na halos mayupi na ako sa bisig niya.

Gusto kong umiyak at iumpog ang sarili ko sa pader upang matauhan na ako. It came so fast. Sinabi kong mahal ko si Greg, pero ano itong nararamdaman ko ngayon? Why I can't feel the attraction towards him? Nasaan na ang mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing kasama ko si Greg? Bakit hindi na ako naghaharumentado? Naturukan ba ako ng anesthesia at tuluyan na akong namanhid? O baka, tuluyan ng nawala ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Greg? Damn, Jackson. You won.

"Trixie, God! Where have you been? Kanina pa kita hinahanap, hindi ka raw pumasok" malumanay ang tono ng boses niya at nanlalambing ngunit hindi kumibot ang puso ko tulad ng nadarama ko kay Jackson.

"Greg" ang tangi kong nasabi. Tumango siya at yinakap nanaman ako. Nasa noo ko ang ulo niya at hinahaplos ang buhok ko.

"Shh. I'm sorry sweety, sa sinabi kong cool off muna tayo. I realized na, mali ang ginawa ko. Damn myself, Trixie, I don't care about the picture. That Jackson is bastard! You've been with me for three months. Doon ko lang napagtanto na, sa mga araw na 'yon ay ni minsan hindi ka nawala sa tabi ko. I'm so sorry, sweety"

Gusto kong umiyak at kumawala sa bisig niya ngunit nawawalan ako ng lakas upang itulak siya. No Greg. I love you, pero hindi na ganoon katindi tulad noon. Hawak hawak na ni Jackson ang puso ko. And I can't broke my promise to him. Siya ang pipiliin ko dahil siya ang mahal ko. Kahit makasisira pa 'yon saakin. Wala akong pakialam.

Hinalikan niya ang noo ko bago pinakawalan. No! Si Jackson lang ang pwede gumawa noon saakin. Napapikit ako ng mariin at inalala si Jackson. Siya ang gusto kong makasama ngayon. Pero may unfinished business pa saamin ni Greg na dapat ko ng tapusin. Aamin na ako. Sasabihin ko na ang lahat.

"Greg, totoo ang picture na nakita mo. Jackson kissed me, hugged me like you did" napaawang ang labi niya at kitang kita ko ang takot at galit sa mukha niya.

Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay mas lalo pang bumilis ng hindi man lang siya sumagot at nanatiling nakatitig saakin ang blanko niyang mata. Napayuko ako at huminga ng malalim. I want to cry, pero hindi ko alam kung ano ba dapat ang iiyakan ko. Si Jackson, o si Greg?

"It was taken three months ago. Remember noong nagkasakit ako at bumili tayo ng gamot na nakita natin si Jackson? I was with him that day. Nagsinungaling ako, Greg. Doon pa lang, sinabi na saakin ni Jackson na gusto niya ako at gagawin ang lahat makuha niya lamang ako sa'yo" napuno ng pagtataka ang mukha niya at wala sa sariling napaupo sa hood ng sasakyan niya.

"W-what?" paos ang boses niyang sabi. Ngumiti ako ng pilit at inayos ang pagkakatayo ko sa harapan niya. Those days. Ang mga araw na lagi akong sinusundan at kasama si Jackson.

"He kissed me. Nagmakaawa siya na hiwalayan kita at bigyan siya ng pagkakataon. He's messing with me. Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong magagalit ka. I pushed him. He pushed my limit. Tinaboy ko siya dahil ikaw ang mahal ko, Greg. Sadyang brusko lang talaga si Jackson kaya hindi ko magawang ilayo ang sarili ko sa kanya. He always finds ways" sumulyap ako sa kanya at ng makitang mariin siyang nakikinig saakin ay nagpatuloy ako.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon