Kabanata 52: Something Flutters

727 18 0
                                    

Hindi maalis alis ang ngiti sa labi ko habang nagpapalitan kami ng mensahe ni Jackson. I'm actually busy, at sinabi ko sa sarili na hindi ko muna papatulan ang kakulitan niya. But I end up replying on his message. Hindi ko alam pero hindi ko siya matiis.

Jackson:
Who is Joaquin? Hindi ba at siya 'yong kaibigan ng pinsan mo. Bakit bukambibig 'yon ni Eyrone?

Napaayos naman ako sa pagkakaupo sa biglaan niyang pagdidivert ng usapan. At ano nanamang meron kay Joaquin? Nakakunot ang noo ko habang nagtitipa ng irereply.

Ako:
Uh, oo kaibigan siya ni Carlos. Ano ba ang sinasabi ni Eyrone?

Jackson:
Hindi ko alam kung bwinibwisit ako ng lalaking 'yon o pinagseselos niya ako. Miss kana daw ni Joaquin eh.

Bahagya akong tumawa sa nabasa.

Ako:
Well, I miss him too. :)

Jackson:
Really? Ilang beses na tayong muling nagkita. I even kissed you on my car. Ni minsan ay hindi mo nabanggit saakin na namiss mo ako. Pinagseselos mo ba ako Trixie?

Bigla namang namula ang mukha ko nang maalala ang halikan namin sa sasakyan niya. Napahawak ako sa bibig at pakiramdam ko ay magkadikit parin ang labi namin ni Jackso kahit dalawang araw na ang nakakalipas simula noong mangyari 'yon. Shit! Nagagawa parin niyang pamulain ang mukha ko kahit na hindi kami magkasama at through text lang ang komunikasyon namin!

Ako:
Sinasabi ko lang ang totoo. Ano ba ang problema mo doon?

Ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi parin siya nagrereply. Kinagat ko ang ibabang labi. Huwag niyang sabihing sa sinabi kong 'yon ay galit na siya? Mabilis kong binasa ang text niya ng mag vibrate ang phone ko.

Jackson:
My problem is, I'm jealous.

Sumilay ang kaba sa dibdib ko sa nabasa. Kahit hindi ko siya kasama ay alam kong salubong nanaman ang kilay niya at nagagalit. Magtitipa pa lang sana ako ng mensahe ng muli siyang nagtext.

Jackson:
I'll text you later, may gagawin lang kami ni Leslie.

Namanhid ang daliri ko sa nabasa at hindi ko na nagawa pang magreply. So, he's with Leslie. At mas inuna pa niya talaga ang babaeng 'yon kaysa saakin! Nabuhay ang galit at insekyuriti sa katawan ko sa isiping magkasama sila at lulan ng sasakyan ni Jackson. Bakit sila magkasama at ano'ng gagawin nila? Ni hindi niya sinabi ang salitang I love you samantalang sinasabi naman niya 'yon saakin kapag wala saakin ang oras niya for assurance.

Nagngingitngit kong binalik ang phone ko sa bag at pinagekis ang kamay ko sa dibdib. Paano ko maibibigay ang second chance na hinihingi niyang kung hindi niya sinasabi saakin ang bawat gagawin niya. Fuck! I'm being clingy! Kinalma ko ang sarili at huminga ng malalim. I'm jealous! Dapat na saakin ang oras ni Jackson at hindi sa Leslie'ng 'yon. Pwes, bahala siya!

"Hoy, ba't salubong ang kilay mo?" napatingin ako kay Berny na ngayon ay nakataas ang kilay saakin at umupo sa tabi ko. Sumunod naman si Carmina na may malawak na ngiti sa labi.

"Hi Trixie! May tsismis ako sa'yo." kumunot naman ang noo ko. Hindi ko gusto ang ngisi niya. Nag katinginan sila ni Berny at humagikhik.

"Hindi ko gusto ang ngisi ninyong dalawa." ani ko ngunit mas lalo lang lumawak ang ngisi nilang dalawa.

"Nalaman namin kay Felix na nakita niya kayo ni Phoenix na magkasama! Ikaw a! Liniligawan ka pala ni Phoenix!" tinukso nila ako at pinagsusundot ang tagiliran ko. Parehas silang natutuwa sa nalaman ngunit kaagad ring nawala ang ngiti nila sa sinabi ko.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon