Last Chapter! Thank You! Carlos and Jackson sa IG ko. Visit my profile kung gusto ninyo silang makita. Nasa profile ko ang username ko sa IG. :)
Masakit ang ulo ko ng magising ako kinabukasan. Napaupo sa kama at sinandal ang katawan ko sa headboard. Hinilot ko ang aking sintido at napapikit ng mariin. Nasobrahan yata kami ng inom ni Odessa kagabi. Halos wala rin akong matandaan kung anong oras kaming natapos at kung paano ako napunta dito sa kwarto ko. Siguro ay binuhat ako ni Carlos kagabi. Sa kalasingan ko ay hindi ko na nagawang magpalit. Bumuntong hininga ako at dumiretso sa banyo.
Nangingitim ang mata ko dahil sa kumalat na eye liner pati narin ang lipstick sa gilid ng labi. Hinubad ko ang itim kong dress at naghilamos. Nakaramdam narin ako ng pagkagutom dahil hindi pa ako kumain kagabi. Napatigil ako sa paghilamos at tinitigan ang sarili sa salamin. Last night feels surreal. Ang hirap paniwalaan noong nangyari kagabi. Pero ano man ang gawin ko na kahit iuntog ko ang ulo sa pader ay alam ko sa sarili ko na totoo nga ang nangyari. Jackson left me again.
Napailing ako at pinagpatuloy ang paghihilamos. Sariwa parin 'yong sakit, ang alam ko paggising ko sa umaga matapos lunurin ang sarili sa alak ay mawawala na ang sakit na nararamdaman ko. Kaso mali pala. I trust him, but he always wreck me. Sumugod ako na malakas ang kakayahan. Sa pag uwi ko ay umuwi akong talunan. I shoul not think about him. Tinaboy siya ni Carlos at Odessa kagabi. Nararapat lang sa kanya 'yon.
Naligo dahil nanlalagkit ako sa sarili. Nang matapos ay nagshort shorts ako at sinuot ang maluwang kong T shirt. Hinayaan kong basa pa ang buhok at lumabas ng kwarto. Nasaan na kaya si Carlos at Odessa. Sana naman ay hindi nag-away ang dalawang 'yon. Masyado kasing mahigpit si Carlos kay Odessa minsan. He's so possessive. Nagdiretso ako sa kusina ngunit napahinto ako ng makitang may nakatulog sa sofa namin.
Rumagasa ang matinding kaba sa dibdib ko ng lapitan ko siya at nakitang si Jackson 'yon. Hindi ako nakagalaw at napatitig sa kanyang himbing na himbing sa pagtulog at humihilik pa ng mahina. Ano'ng ginagawa niya dito ay paano siya nakapasok! Shit! Akala ko ba ay pinalayas na siya nila Carlos kagabi. Ang kabang naramdaman ko ay napalitan ng galit ng maalala ang panloloko niya saakin. Sa inis ay sinipa ko ang paa niya. Napabalikwas naman siya at napaupo sa sofa.
"What are you doing here! Ang kapal din naman ng mukha mong matulog dito sa pamamahay ko!"
Napakurap siya ng ilang beses. Napahilot siya sa sintido at naihilamos ang palad sa mukha. I want to hurt him, physical and emotional. Ngunit nanatili akong nakatayo sa harapan niya ng mapansin ang sariwang pasa sa mukha niya. Suot parin niya ang suit kagabi at mukhang dito siya dumiretso kagabi matapos kong mag walk out. Binigyan ko siya ng malamig na titig.
"Layas," turo ko sa pintuan ngunit hindi niya sinunod ang sinabi ko. Bagkus ay linapitan niya ako at yinakap. May kung anong dumaloy sa katawan ko ng maramdaman ang mainit niyang yakap. Galit at pagkamuhi. Tinulak ko siya at tinignan ng blangko.
"Lumayas kana bago pa kita ipadampot sa mga pulis, at wala akong pakialam kong anak ka pa ng mayor." muli kong tinuro ang pintuan. "Get out, I don't need you in my life, Jackson."
"Trixie, let me explain. Mali ang nakita mo kagabi. Hindi 'yon totoo." tumawa ako ng may halong pagkadigusto.
"Ginagawa mo ba akong tanga, Jackson? Sa tingin mo ay paniniwalaan ko 'yang sinabi mo! Pwede ba, huwag mong painitin ang ulo ko umagang umaga. Umalis kana, bago ka pa maabutan ni Carlos." akmang tatalikuran ko na siya ngunit pinigilan niya ako.
Napapikit ako at pinigilan ang galit ko. Fuck! Ano'ng gusto niya, na matapos ang nangyari kagabi ay babalikan ko pa siya! Na mag papakatanga nanaman ako at paniniwalaan ang kasinungalingan niya. Pinunasan ko ang nangilid na luha sa mata ko. Ayoko na, pagod na pagod na ako. Ang hirap din ng ganito.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...