Ilang beses ko ng tinawagan ang phone ni Jackson ngunit hindi niya ito sinasagot. Tunog lang iyon ng tunog hanggang sa hindi ko na makontact ang number niya. Marahil ay na low bat na kakatawag ko. Napaupo ako at naihilamos ang palad sa aking mukha. Damn it! Where are you, Jackson? Wala man lamang akong kaalam alam na dalawang araw na siyang nawawala.
Napabuntong hininga ako at nag isip ng lugar kung saan posibleng nandoon siya. Pero sabi ni Philip ay napuntahan na daw niya lahat ng pinagtatambayan ni Jackson ngunit wala raw siya doon. Isa na lang ang naiisip kung paraan. Iyon ay ang tanungin si Fatima.
Muli kong dinial ang number niya ngunit ganoon parin ang nangyari. Matapos ikwento saakin ni Philip ang pinaggagagawa ni Jackson sa nakalipas na araw ay umuwi na sila ni Sharlene dahil hindi ito matigil sa pag-iyak. Nag init ang sulok ng mata ko at ang gusto ko na lang ay ang itulog ang problemang ito.
Kung ano ano na ang pumapasok sa isipan ko. Worst, ay baka meron ng masamang nangyari sa kanya. Napapikit ako at tahimik na nagdasal. God, please, sana ay ayos lang si Jackson kung nasaan man siya.
"Trixie! Ano, tara na?" masayang bungad saakin ni Antonette ngunit nawala ang ngiti sa labi niya ng makita akong lumuluha.
"Oh my God," linapitan niya ako at sinuri ang mukha ko. "Trix, what's wrong? Ba't ka umiiyak?" umiling ako at nagpunas ng luha.
Damn, Jackson! Ano ba'ng gusto niyang mangyari! Nasaan na siya at bakit dalawang araw na siyang hindi umuuwi. Hindi ba niya alam na maraming nag aalala sakanya. Hindi ko na alam kung ano'ng nangyayari sakanya. Hindi man lang siya nagsasabi!
"Nette, Jackson is missing. Dalawang araw na siyang hindi umuuwi."
"Ano?" gulat niyang tanong at kumunot ang noo niya.
"H-hindi ko alam kung nasaan siya. Kung hindi pa ako pinuntahan ng kaibigan niya ay hindi ko pa ito malalaman."
"That's impossible! Trixie, ikaw ang girlfriend niya. Hindi ba dapat ay ikaw ang nakakaalam kung nasaan siya?"
Sa sinabi niyang 'yon ay napatigil ako. She hit me. That's it! Ako ang girlfriend pero hindi ko alam kung nasaan siya! Shit! Pakiramdam ko tuloy ay wala akong silbi.
Umiling ako at kinalma ang sarili ko. I should not panic. Ang sabi niya ay babalik siya. But the question is, where is he? I don't think na alam ni Fatima kung nasaan siya.
"Shh," inalo ako ni Antonette at hinaplos ang buhok ko. "Calm down, Trix. Malaki na si Jackson, alam niya kung ano'ng ginagawa niya sa buhay, okay? Akala ko naman kung ano ng nangyari!" tumawa siya para pagaanin ang loob ko ngunit ngumiti lang ako ng pilit.
"I'm still worrying, Nette. We had a little argument noong huli kaming nagkita." nagpakawala ako ng malalim na hininga.
"'Yon naman pala, e. Malay mo pinapalamig lang niya ang kanyang ulo. You know, ganyan naman ang mga boys, e. Minsan ay hindi nila makontrol ang galit nila kaya lumalayo muna sila para mag palamig. Unlike us."
Kahit ano man ang sabihin ni Antonette ay hindi parin ako kumbinsido. I know Jackson. Hindi siya ganoong tao. Kung galit siya ay ipapakita niya saakin at hindi iyon kinikimkim. Siguro ay may kinalaman ang hindi niya pag-uwi sa huli naming na pag-usapan. Naiintindihan ko ang gusto niyang iparating. I just hate the fact that he's using women. Babae rin ako at alam ko kung anong pakiramdam ng ganoon.
"Chill, Trix! Uuwi rin si Jackson, he loves you right? Hindi 'yon basta basta mawawala. Maybe he has something for you pag uwi niya."
Hindi na ako sumagot at napakaladkad kay Antonette. Sana nga ay tama ang iniisip ni Antonette. Na, sa pag balik ni Jackson ay normal na ang takbo ng relasyon namin tulad ng dati. Pumasok kami sa isang restaurant para doon kumain ngunit laking gulat ko ng makita namin doon si Carlos. May kasama siyang babae na ngayon ko pa lang nakita.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...