Kabanata 20: Terrified

733 22 1
                                    

Ngayon ay 21st Century, at kung uso lang sana ang mga Zombies sa realidad ay maiikonsidira na akong isa sa kanila. Halos hindi ko makilala ang sarili ko. Buong gabi akong hindi nakatulog at siguro ay isa't kalahating oras lang ang tulog ko sa dami ng iniisip. Nagpapasalamat ako at nangibang bansa nanaman ang parents ko. Dahil kung hindi ay magtataka sila sa itsura ko ngayon. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at kinuha ang suklay at sinuklay ang buhok ko bago hinarap ang salamin.

Nangingitim ang ilalim ng mata ko at halatang puyat na puyat ako. Hindi ko na alam ang gagawin o di kaya ay uunahin ko. Kung si Greg, o di kaya ay si Jackson. Balibaligtarin man ang sitwasyon, si Greg at si Greg parin ang dapat kung unahin dahil siya ang boyfriend ko. Kahit pa hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa niya kahapon. Andoon 'yong kaba at takot.

Kaba sa paliwanag ni Greg. At takot dahil sa mga binitawang salita ni Jackson. Huminga ako ng malalim at linapag sa lamesa ang suklay. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari ngayong araw na ito. Hindi ko alam kung magiging handa ako na kaharapin si Greg. Kinuha ko ang aking phone sa lamesa at binuksan ang inbox ko. Wala paring text kay Greg hanggang ngayon. Nagaalala ako sa kanya kahit pa may kasama siyang ibang babae kahapon. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari saakin dahil, ayos lang kung sino man ang babaeng 'yon. Ang hindi ko tanggap ay ang mga sinabi ni Jackson na tumagos sa puso ko.

Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko. Sana nga ay hindi na lang ako nag bitiw ng salitang hindi ko kayang panindigan. At isa pa, hindi ko pinaasa si Jackson dahil simula pa lang ay sinabi ko na sa kanyang mahal ko si Greg. Kung nangako man ako 'yon ay dahil kay Sharlene. Naawa ako sa kanya dahil sa mura niyang edad ay nahihirapan siya sa estado ng buhay nila ni Jackson.

Pumasok ako sa banyo at inihanda ko ang aking sarili sa pagpasok. Mabilis akong natapos dahil gusto kung maagang makarating sa school. Ayokong makita nila na ganito ang itsura ko. Sigurado akong magtatak at magtataka sila, specially Antonette and Carlos. Isa rin pala ang babaeng 'yon at hindi na niya ako binalitaan tungkol sa date nila ni David.

Bumaba ako para mag breakfast ngunit laking gulat ko ng wala man lang nakahandang pagkain sa lamesa. Nahagilap ng mata ko si Carlos sa sofa sa harapan ng TV na ngayon ay nagkakape. Linapitan ko siya at tumikhim. Nakuha ko naman ang atensyon niya ngunit kumunot ang noo niya ng makita ako.

"What's with your face? Para kang namatayan" ani niya at sumimsim sa kape niya. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at binaling ang tingin sa ibang direksyon.

"Ba't walang pagkain? Nasaan ang mga kasambahay?" sambit ko.

"Pinag day off ni mommy ng dalawang araw kaya, tayong dalawa lamang dito. You hungry?" tumango ako at hinawakan ang tiyan ko. Hindi pa pala ako kumain kagabi at kumakalam na ang sikmura ko.

"Para ka talagang namatayan, ang pangit mo ngayon, Trixie. Tss. Tara na nga, bilhan na lang kita sa Drive Thru at sumabay kana saakin"

Ani niya at nauna ng lumabas ng bahay. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil wala ako sa mood na makipagkulitan sa kanya. Linock muna niya ang gate at binilin ang seguridad ng bahay sa security guard sa guard house bago kami tuluyang umalis. Dumaan kami sa nadaanang drive thru. Kinain ko na lang ang binili niya habang papuntang school samantalang siya ay walang imik na nagdadrive, parang ang lalim ng iniisip niya. Nakapagtataka pa at hinatid niya ako sa room namin at siya rin ang nagbuhat ng bag ko. Papasok na sana ako ng matigilan ako sa sinabi niya.

"I saw your boyfriend at the Bar, Trixie. His with other girl. Kaya ba namumugto 'yang mata mo?" mabilis akong napalingon sa kanya at nanlaki ang matang tumitig sa madilim niyang mukha.

"C-Carlos" sambit ko.

"Pinagloloko ka ba noon? Tell me, Trix. Pinagpalit ka nanaman ba ng kasintahan mo? I told you-"

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon