Kabanata 58: Kabado

903 13 0
                                    

Dapat masaya ako dahil makikita ko na ulit ang parents ko. Ang mga kaibigan kong naiwan dito sa Manila pero kabaligtaran ang nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon ay hindi parin nagtetext saakin si Jackson. It's almost 12 hours. Hindi pa ba sila nakakarating sa Palawan at hanggan ngayon ay hindi parin niya ako tinatawagan o kahit isang text man lang?

Sinalubong kami ni mommy pagkarating namin sa bahay. Masaya ako dahil okay na sa kanya ang relasyon ni Carlos at Odessa. Kung nandito lang si daddy ay sigurado akong matutuwa rin siya. At isa pa ito sa dahilan kung bakit ako umuwi. Kailangan kong makausap ang parents ko tungkol saamin ni Jackson. Kailangan kong sabihin sa kanila ang nangyari, two years ago at ang kasalukuyan.

Hindi pa ako nakakaramdam ng pagod ngunit pumanhik na ako sa kwarto. Muli kong tinignan ang phone ko. No sign of Jackson and it's killing me. Napaparanoid ako. Ako ang nagtulak sa kanya na sumama sa family niya pero nagsisisi ako. Paano kong ang pagpunta niya sa bakasyon kasama ang family niya ay may marealize siya? Paano kong pag-uwi niya ay iba na ang pakikitungo niya saakin? Natatakot ako sa kung ano man ang mangyayari pagbalik niya.

Naligo ako at nagbihis ng pambahay. I should stop thinking about him, kahit ilang minuto lang. Kailangan ko ring ihanda ang sasabihin ko mamaya kay mommy. Sinuot ko ang kwintas na bigay niya saakin. Chinarge ko muna ang phone ko bago lumabas. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay rinig ko na ang sigawan sa baba. Kung hindi ako nagkakamali ay boses 'yon ni Odessa at Carlos. Rinig ko rin ang boses nila Joaquin at mukhang nag-aaway sila.

Nang makarating ako ay naabutan kong nag walk out si Odessa na halos hindi na niya ako mapansin dahil nakayuko siyang naglalakad papuntang kwarto ni Carlos. Linapitan ko si Carlos at sinampal siya. Nagsinghapan sila pati narin ang mga babaeng kasama nila.

"Ano'ng ginawa mo kay Odessa! Bakit siya umiiyak!" hindi niya nagawang sumagot at tulalang nakatitig sa sahig. He is so lost. Pero ni katiting na awa ay wala akong naramdan. Kilala ko si Odessa. Hindi siya basta basta iiyak kung hindi siya nasasaktan.

"Hey, Trix, it's our fault. Ang alam kasi namin may relasyon si Odessa at Eyrone and to think na si Carlos pala ang boyfriend niya."

"Ano?" halos bulong ko ng sabi at rumagasa ang galit sa katawan ko.

"Pinagloloko niyo ba si Odessa! Shit naman David! Ako ang kasama nila sa probinsya at ni isang beses ay hindi ko nakitang nag cheat si Odessa!" nagpigil ako ng galit at pinalayas ang babaeng kasama nila.
My God! Ngayon na nga lang ulit kami magkikita ay sakit pa sa ulo ang dulot nilang tatlo.

"Please, Joaquin, umuwi muna kayo. Binastos niya ang kaibigan ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa ninyo 'yon." tinalikuran ko sila at pinuntahan si Odessa sa kwarto ni Carlos.

Dinala ko siya sa kwarto ko at doon muna pinatulog. Naaawa ako sa kanya. May problema na nga siya kay Sarah na hindi naman niya magawang patulan dahil bata pa. Tapos ito, ano ba'ng ginagawa ni Carlos! Fuck! Kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari ay noon ko pa sana siya pinabalik dito. Iniwan ko siya sa kwarto ko at pinuntahan si mommy. Nakita ko pa si Carlos na ngayon ay tulala sa kwarto niya. Napailing ako. Hindi ko aakalain na si Odessa lang ang may kayang gawin sa kanya ang ganito.

"Mommy," nginitian ko si mommy ng pumasok ako sa kwarto niya.

"Trixie anak," linapitan niya ako at pinaupo sa kama niya.

"Si daddy po?"

"Nasa meeting, di bale at tinext ko na siya. Iyang daddy mo panay ang trabaho, kumbinsihin mo naman si Carlos na pagpahingain na niya si Gilbert." kinuha niya ang suklay at sinuklay ang buhok ko. Gusto kong umiyak sa bisig ni mommy at sabihin sa kanyang nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Jackson ngunit pinangunahan ako ng takot. Paano kong pati siya ay tututol rin saamin ni Jackson?

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon