Initsa ko ang phone sa bulsa ko ng mag vibrate iyon. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ang pangalan ni Carmina sa screen.
Carmina:
Nasaan ka Trix? Kain na tayo! Hintayin ka namin dito sa karenderya nila Odessa, okay?
Mabilis akong nagtipa ng irereply.
Ako:
Mauna na kayo, may gagawin pa kasi ako.
Napabuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano'ng pag-uusapan namin ni Phoenix. At hindi ko rin alam ang gagawin kapag tinotohanan ni Jackson ang text niya kanina. I said he can't come here. Pero mapilit siya at gagawin ang gusto niya. Hindi ko naman siya mapigilan dahil alam kung gagawa at gagawa siya ng paraan makasama lang ako.
Napabuntong hininga ako ng makalabas ng building. Nakita ko si Odessa na paalis na at mukhang kakain na siya ngunit hindi ko na inabala ang sarili ko na tawagin siya. I need to talk to Phoenix first. At ang problema ko kay Jackson. Hinanap ng paningin ko si Phoenix dahil ang sabi niya sa text kanina ay narito daw siya sa labas ng building. Nang makita ko siya ay kaagad niya akong linapitan at nginitian. Akmang kukunin niya ang bag ko ngunit umiling ako.
Hindi niya kailangang gawin ito at ayoko siyang paasahin.
"Ako na." ani ko at ngumiti ng pilit. Kitang kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya ngunit hindi ko na lang iyon pinansin.
"Okay." matamlay niyang sagot. "Sa building na lang tayo, walang masyadong tao sa taas."
Tumango ako at sumunod sa kanya. Wala kamig imik habang naglalakad papuntang building nila. Mabilis siyang maglakad kaya naman halos habulin ko na siya. Ngunit ng mahalata niyang masyado siyang mabilis ay binagalan niya ang paglalakad at sinasabayan ako.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bag habang palapit kami ng palapit sa COE. Nararamdaman ko na ang gusto niyang sabihin. Pero paano ko maipapaliwanag sa kanya ng maayos na hindi kami pwede? Na hindi niya ako pwedeng ligawan? I can't hurt him. Ayoko na iyong may nasasaktang ibang tao dahil saamin ni Jackson, tulad noon kay Greg. Napabuntong hininga ako. Kamusta na kaya siya? Wala na akong balita tungkol sakanya. Napailing ako at inalis ang bagay na 'yon saaking isipan.
Linapit niya ang katawan saakin ng nasa tapat na kami ng building nila. Nginisian ako ni Felix ng makita ko siya sa labas ng building nila ngunit nginitian ko lang siya ng pilit. Ang alam niya siguro ay maganda ang closure namin ng kambal niya. Ngunit hindi niya alam na may hindi kami napagkakaintindihan. Sumunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa third floor. Walang masyadong tao sa palapag na ito at mahangin. Lumapit siya sa nakabukas na bintana kaya naman sumunod ako sa kanya.
Tumikhim ako upang kunin ang atensyon niya ngunit nakatuon parin ang pansin niya sa labas. Napamura ako sa aking isipan. Fuck! Hindi ko maibuka ang bibig ko at kinakabahan ako sa ako ano mang lumabas na salita mula doon.
"Kaya ako nag pupursigi sa pagsasayaw ay dahil sa'yo, Trixie. Nag papaimpress ako, ang pagsasayaw ang naging daan ko upang mapansin mo ako." nagulat ako sa hindi inasahan niyang sinabi. Napatitig ako sa nakatagilid niyang mukha.
"Ang buong akala ko ay mapapadali ang lahat kapag idadaan ko sa sayaw." tumigil siya sa pagsasalita at tumingin saakin. "I really like you, Trixie. At gusto kitang maging girlfriend."
Napaawang ang labi ko sa biglaan niyang pagtatapat. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Oo at hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi niya saakin na gusto niya ako. Pero nakakagulat paring malaman na saakin niya nilalaan ang pagsasayaw niya.
"Lagi kang nandiyan sa tuwing sasali kami ng contest. Ang supportive mo sa Less than Three. Trixie, I think I'm falling for you- no, I love you." Napasinghap ako sa binitawan niyang salita at kung gaano kalungkot ang boses niya.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...
