Kabanata 45: His Friend

733 22 0
                                    

Iyong Joaquin po talaga ay O not U sa unahan. Pasensya na talaga at madaming typo.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig kaya naman napabalikwas ako sa pagkakaupo sa sofa at hindi makapaniwalang napatingin sa gawi ni mom at Carlos.

"What? Ano pong sasama sa probinsya!" nagtatakang tanong ko.

"Sasama daw sa'yo sa probinsya si Carlos." napaawang ang labi ko at nanlaki ang matang napatingin kay Carlos na ngayon ay nakayuko at kagat kagat ang ibabang labi. Tama ba ang narinig ko? Sasama siya sa La Union? Kumunot ang noo ko at pinagekis ang kamay sa dibdib.

"Why? Carlos wala kang gagawin doon." umirap ako.

"Anak, hayaan mo na nang may makasama ka doon. You've been independent for two years."

"But mom! Pasukan na two weeks from now, ano 'yon mag jojoy ride lang siya?" pansin ko ang pagbuntong hininga ni mommy at hinawakan ang balikat ni Carlos. Kung nandito lang sana si daddy, sigurado at magtataka rin 'yon sa biglaang desisyon ni Carlos.

Syempre at nasa tamang edad na siya. Kung tutuusin ay kahit hindi na siya mag-aral ay may pagkukuhanan na siya ng pera kung gusto na niyang mag settle down. What the hell is wrong with him? Ano'ng pumasok sa kokote niya at sasama siya saakin? Iniwan kami ni mommy upang makapag-usap ng maayos kaya naman tinaasan ko siya ng kilay at nginuso ang upuan sa tabi ko ngunit inirapan niya lang ako.

"You are going to stay here, you are not allowed to come with me."

"Ano ba'ng problema mo, Trixie? Ba't ayaw mong sumama ako doon, huh?" napapikit ako ng mariin upang pigilan ang pagragasa ng inis sa katawan ko.

"Dahil wala kang gagawin doon. I mean, why are you coming with me?" nagkibit balikat siya at umiwas ng tingin.

"Basta, I just want to confirm something."

"Tapatin mo nga ako, nakabuntis kaba dito sa Manila kaya ka sasama sa probinsya upang takasan ang problema mo?" naningkit ang mata niyang tumingin saakin sa sinabi. Pinandilatan ko siya at inikutan ng mata. Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya sasama saakin. He's fine here in Manila! My God!

"I am still virgin, Trixie, at wala pa akong naanakan. Shut the fuck up! Sasama ako sa probinsya, tapos ang usapan."

Nagngingitngit ang galit kong sinundan siya ng tingin habang paakyat ng hagdan. Something weird about him, para siyang balisa at natetense at ngayon ko lang siya nakitang ganito. Nagpakawala ako ng ng malalim nabuntong hininga at bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Hindi naman sa ayaw ko siyang sumama, actually maganda ang ideya niyang iyon. Nahihiwagaan lang talaga ako sa lalaking 'yon. At isa pa, probinsya ang pupuntahan namin. Wala doon iyong mga nakasanayan na niyang gawin dito sa siyudad.

"Dude, are you fucking kidding me?" hindi makapaniwalang tanong ni Joaquin ng dumalaw sila dito sa bahay. Halos masamid si Antonette sa iniinom niya sa sinabi ko.

"Kausapin niyo nga ang lalaking 'yan! Hindi matino ang pinagsasabi niya, tell me, Joaquin, ano'ng gagawin niya sa probinsya?"

Hindi ko na napigilan pa ang dila ko at nasabi ko sa kanila ang desisyon ni Carlos. Lahat sila ay nagulat sa nalaman.

"Ano ba'ng problema ninyo sa pagpunta ko sa probinsya? What's the fucking big deal?" pigil pigil niya ang kanyang pagtaas ng boses.

"Tangina, Carlos, pasukan na next week. Ano 'yon gusto mo lang makakita ng kalabaw at bukid?" humagalpak sa tawa si Joaquin at David at napailing iling. Binato sila ni Carlos ng chips ngunit hindi sila nag paawat.

"Gago, babalik rin ako! Wala akong balak mag stay doon." inirapan ko siya ng tumingin saakin at nginisian. Fuck, hindi ko gusto ang ngisi niya!

Nang sumapit ang araw na uuwi na ako sa La Union ay hindi ako mapakali habang nagbyabyahe. Si Carlos ay nasa tabi ko, tahimik at parang nagmamanman sa paligid. Ilang beses akong tumikhim at nag paibaiba ng puwesto sa pagkakaupo. Nang makuha ko ang atensyon niya ay nagtataka siyang tumingin saakin. Tinanggal niya ang kanyang earphone at tinaasan ako ng kilay.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon