Kung gaano kabilis ang pagpapatakbo ni Jackson ng sasakyan ay ganoon din kabilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako ng mahigpit sa seatbelt ng mas bumilis pa ang pagpapatakbo niya. Gusto kong sabihing bagalan niya ngunit hindi ko maibuka ang bibig ko dala ng matinding nerbyos. His eyes is furious. Na para bang isang salita ko lang ay puputok na siya sa galit. Ako mismo ay natatakot sa kakaibang aura niya ngayon.
"Jackson, you're over speeding!" sabi ko ng sa wakas ay nahanap ko ang lakas ng loob na magsalita. Hindi niya ako tinapunan ng tingin ngunit binagalan naman niya ang pagpapatakbo na siyang pinagpasalamat ko.
Tumunog ang Iphone niya ngunit hindi niya 'yon sinagot. Nakita ko pa sa screen na ang mama niya ang tumatawag. Tumigil ang Iphone niya ngunit ilang sandali pa ay tumunog nanaman 'yon. Padabog niya 'yong kinuha at pinatay. Napabuntong hininga ako at itinuon na lamang ang pansin sa labas. Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung ano man ang balak niya. Malamang at hinahanap na siya sa bahay nila.
Napapikit ako ng maalala ang nangyari kanina sa bahay ng mga Ortega. Hindi ko lubos maisip na magagawa 'yon saakin ni Mr. Ortega. I mean, oo may kasalanan ako sa asawa niya at hindi pa kami nakakapagusap ng maayos tungkol doon pero sana naman ay huwag niya agad akong hinusgahan. Ni hindi ko alam na sila ang tunay na magulang ni Jackson. Wala akong kaalam alam tungkol sa nangyari noon dahil hindi siya nagsasabi tungkol doon. Ang sakit isiping ayaw saakin ng parents niya. Straight forward siya kung magsalita at masakit ang binitawan niyang salita.
Huminto ang sasakyan sa kulay puting bahay na sa pagkakaalam ko ay isa itong subdivision dito sa Bauang. Padabog niyang sinara ang pinto ng makalabas. Halos mapabalikwas ako sa ginawa niya. Bumaba ako at sumunod sa kanya. Nangangatog ang binti ko sa kaba habang naglalakad. Sinara ko ang pintuan at hindi alam ang gagawin kung uupo ako sa tabi niya o 'di kaya ay manatiling nakatayo. Muli akong napabuntong hininga at umupo sa tabi niya.Pansin ko ang mabibigat niyang paghinga. Nakahilamos ang palad niya sa mukha at ginulo ang sariling buhok. Gusto ko siyang yakapin at sabihing nandito lang ako ngunit pinangunahan ako ng kaba. Galit ba siya saakin dahil ako ang dahilan kung bakit nasira ang lunch kanina?
"I'm sorry," mabilis siyang napatingin saakin. "I ruined your family lunch." umiling siya at dinaop ng palad niya ang pisngi ko.
"I should be the one saying that, I'm sorry, Trixie. Ang dami ko ng kasalanan sa'yo." umiling ako at hinaplos ang kamay niya. Kitang kita ko sa mata niyang sising sisi siya sa nagawa.
"Tell me everything, Jackson. Sasabog na ang utak ko kung paano pagdudugtungin ang mga sinabi ng papa mo." tumango siya at binitawan ang pisngi ko. Sumandal siya sa sofa at para bang hinahanda niya ang sarili sa sasabihin. Ako mismo ay hinanda rin ang sarili upang makinig.
"Hindi ko alam ang buong kwento, hindi ko alam kung paano ako nakapunta sa Manila. Pero isa lang ang naalala kong sinabi ni papa. Naaksidente ako noong bata, at kagagawan iyon ng kalaban niya noon sa pagtatakbo bilang gobernador ng La Union. Ganoon naman kapag buhay politiko, e. Hindi nila ako nahanap kaagad dahil tumilapon ako mula sa loob ng sasakyan. Doon naman ako nahanap ng magulang ni Sharlene," sumilay ang tipid na ngiti sa labi niya ng banggitin ang pamilya ni Sharlene.
"Sa katunayan ay mabait naman talaga sila, nagbago lang si mama Santa noong namatay ang asawa niya. Simula noon ay lagi na niya akong pinagbubuhatan ng kamay. Hindi ko kaya ang pagmamaltrato niya saakin kaya natutu akong tumayo sa sariling paa bata pa lamang ako. Naging sugalera na siya at walang pakialam saaamin ni Sharlene. Halos ako na ang mag-alaga kay Sharlene nang isinilang siya at gumagawa ng paraan upang may pambili ng gatas. Simula noon ay nagkanda leche leche na ang buhay ko." nabuhay ang galit sa sistema niya sa huling sinabi.
"Graduation iyon ng high school ng magpakilala saakin ang mag-asawang Ortega. Nakausap ko sila bago ako nakipagkita sa'yo noon. Hindi ako naniwala sa sinasabi nila saakin noon dahil walang nababanggit si mama Santa na hindi niya ako tunay na anak. I was too young when that accident happened. Simula noon ay lagi na nila akong pinapasundan at dinadalhan ng kung ano anong bagay ngunit tinatapon ko lang ang mga binibigay nila. Nagtrabaho ako at hindi sila pinansin. Ang akala ko ay titigilan nila ako pero mas lalo lang silang nagpursiging makausap ako. Binigyan ko sila ng pagkakataon na makausap ako at patunyana kung totoo nga na ang sinasabi nila." sandali siyang tumigil at tumitig saakin. Malalim ang iniisip niya at parang nahihirapan siyang sabihin ang sumunod na nangyari.

BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...