Hindi ko alam kung ano ang irereak ko sa tinuran ni Jackson. Nanghihina ang tuhod kong napaupo sa kama at nakaawang ang labing nakatitig sa pintuang padabog niyang sinara. What was that? Mali na ba ang mag alala ngayon sa taong mahal mo? What is wrong with him? May mali ba akong nagawa? Kung ang dahilan man ay ang pagpunta ka dito, pwes, pwede naman niyang sabihin ng maayos. Iyong hindi niya ako pinagtataasan ng boses.
Fuck! Ngayon lang ako sinigawan ni Jackson ng ganito. Para akong ash tray at tinitiris sa puso ko ang dulo sigarilyong may sindi.
Napatayo ako ng biglang bumukas ang pintuan. Nabalot ng matinding kaba ang dibdib ko ng bumalik si Jackson. Medyo humupa na ang galit niya base aura niya. Ngunit hindi parin nakaligtas sa paningin ko ang nag iigting niyang panga.
Napalunok ako upang mawala ang nakabara sa lalamunan ko ng lagpasan niya ako at sinalampak ang katawan niya sa kama. Nanatili akong nakatalikod sa kanya at habol habol ko ang aking paghinga. Ayaw ba niyang nandito ako? Damn it! Halos hindi ko maigalaw ang paa ko sa sobrang kaba.
"Humiga ka na." maawtoridad ang tono ng boses niya ngunit hindi parin ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. I'm scared, hell!
"Pwede kang manatili dito kung gusto mo. Lumalalim na ang gabi, Trixie." hindi ko mapoint out ang gustong iparating ng sinabi niya.
Kung ganoon ayos lang sa kanya kung umuwi akong mag-isa? Where's the gentle side of him? Hindi lang kami nagkita ng ilang araw ay ganito na ang pakikitungo niya saakin?
Bumuntong hininga ako at tumabi sa kanya. Hindi ko siya matignan ng maayos ngunit kitang kita ko parin ang posisyon niya. Nakatitig siya sa kisame habang ang isang kamay ay nasa taas ng unan ko. Maiihi na yata ako sa sobrang kaba ng makahiga ako sa tabi niya. Tinalikuran ko siya at yinakap ang sarili ko.
Matigas ang kama niya ngunit hindi ko iyon ininda. Gusto kong umiyak sa hindi malamang dahilan. Halos taasan ako ng balahibo at napasinghap ng yakapin niya ako mula sa likuran at hinapit ang katawan ko papalapit sa kanya. Inaayos niya ang kumot at sinama ako sa pagkakatalukbong no'n sa katawan niya. Napapikit ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko.
"Sorry." isang salita lang 'yon ngunit tagos sa puso ko. Gusto ko tuloy umiyak ng tuluyan. Mas lalo siyang sumiksik saakin at halos idantay na niya ang isa niyang paa sa hita ko at halos maipit na ang bewang ko sa bisig niya.
"Shh. Sorry, Trixie, nagulat lang ako kanina. Alam mo namang madaming masasamang loob dito saamin. Lalo na at gabi pa. Trixie tinakot mo ako. Takot na takot." tumulo ang butil ng luha sa mata ko.
"Kung sana ay nagpaalam ka bago pumunta dito. Nag paalam kaba sa inyo? Sa pinsan mo? Sa magulang mo?" umiling ako bilang sagot.
"Ano?" halos pabulong niyang sabi at kilabutan ako ng lumakbay ang hininga niya sa batok ko papuntang leeg ko.
"H-hindi ako nag paalam." humigpit ang yakap niya sa sinabi ko.
"Trixie, ang tigas ng ulo mo. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Baka mag isip pa sila ng kung ano dahilan para ilayo ka nila saakin."
"Nasa Dakak sila mommy, may business silang inaasikaso doon. Kaya kong lusutan si Carlos." bumuntong hininga siya at pinaharap ako sa kanya. Nagulat siya ng makita niya ang luhang dumadaloy sa pisngi ko. Nanlambot ang mukha niya at pinunasan ang luha ko.
"Kahit na, lalo pa at babae ka, mag aalala sila sa'yo,"
"Pero Jackson mas nag aalala ako sa'yo. Wala kang kasama dito, and you're sick." tumango tango siya at hinalikhalikan ang noo ko bago muling kinulong sa bisig niya.
Walang wala ang lamig ng gabi sa init na nanggagaling sa katawan niya.
"Natakot ba kita kanina?" bulong niya sa tenga ko. Hindi ako sumagot at nanatiling tahimik. Ang gusto ko na lang ay itulog ang sakit na naramdaman ko kanina.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...