Kabanata 23: Cool Off

728 18 0
                                    

"I heard, nag away daw kayo ni Heidi kahapon" mabilis akong napatingin sa gawi ni Greg na ngayon ay seryosong nag dadrive.

"A-ano?" garalgal ang boses kung sabi. Pansin ko naman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela at nag silabasan ang mga ugat sa braso niya. He's angry.

"And I heard, dahil sa lalaki. May itinatago ka ba saakin, Trixie?" nagulat ako sa diretsahan niyang tanong at hindi kaagad nakasagot.

Ang alam ko, hindi niya alam ang nangyari kahapon. Dahil kung nalamanan man niya ay kaagad niya akong kakausapin. Ang alam ko, ligtas na ako sa problemang iyon pero hindi pa pala. God. Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang nangyari kahapon. Pagkatapos ng insidenteng 'yon saamin ni Heidi ay hinila ako ni Antonette papaalis sa gym.

Kitang kita ko sa mukha niya ang kyuryusiti at alam kung may nais tanungin saakin si Antonette ngunit hindi niya maitanong sapagkat nanatili akong tahimik habang papauwi kami. Kung maari sana ay ayaw ko ng pag-usapan 'yon. Kung nag hiwalay man si Jackson at Heidi ay wala na akong pakialam doon. Ni hindi ko nakausap si Jackson sa loob ng tatlong buwan. Tapos mababalitaan ko na lang kay Heidi na ako ang dahilan ng paghihiwalay nila.

Linunok ko ang nakabara sa lalamunan ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa seatbelt.

"Hindi kami nag away ni Heidi. May hindi lang kami napagkaintindihan" paos ang boses kung sabi. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at nanatiling naaa daanan ang tingin. Pansin ko ang matalim niyang pagkakatitig sa kalsada.

"Greg" ani ko at hinawakan ang braso niya. Tinignan niya ako ngunit kaagad ding nag iwas ng tingin. Nagigting ang panga niya at nagtaas baba ang adam's apple niya.

"Hindi ko alam Trixie pero, kinukutuban ako" sambit niya.

"Greg, wala lang 'yon, okay? Alam mo namang mainit ang dugo saakin ni Heidi, hindi ba?-"

"Is it because of me? Ginugulo ka nanaman ba niya? She's my ex, Trixie. You're my present and future. Sana'y hindi iyon ang issue sa inyong dalawa. Gusto mo bang kausapin ko siya?" mabilis akong umiling at ngumiti ng pilit.

Kung ganoon, ang alam lang niya ay nag away kami sa walang kwentang bagay. Hindi niya alam ang totoong dahilan. Kitang kita ko ang biglaang panlalambot ng mukha niya. Nakadama naman ako ng guilty sa nangyari. Shit. Mamromroblema nanaman ba ako kay Jackson? After three months. Babalik nanaman ba ako sa dati? Ang naglilihim kay Greg? Kung kakausapin niya si Heidi ay baka may sabihin siyang hindi naman nangyari. Ni hindi nga ako nagsabi ng nararamdaman ko kay Jackson. Kinimkim ko 'yon. Tinaboy ko si Jackson kahit masakit 'yon saakin. I chose Greg, because I deserve him. He deserve my love. Siya ang una kung minahal. Biglaan lang na sumulpot si Jackson at ginulo ang puso't isipan ko.

"We're fine, Greg. Ayos lang kami ni Heidi, okay? Girl's fight lang 'yon. I'll talk to her later. Aayusin namin ang hindi namin napagkakaintindihan" tinanguan niya ako at hinawakan ang kamay ko habang nasa daanan parin ang tingin. Hinalik halikan niya ang likod ng palad ko at nginitian.

"I love you, okay? No matter what, sweety. Sabihin mo saakin kung awayin ka nanaman niya ulit. Hindi ako mag dadalawang isip na saktan siya. Kahit babae pa si Heidi" parang linakumos ang puso ko sa sobrang guilty. Hanggang kailan ko itatago sa kanya si Jackson? Na higit pa sa inaakala niya ang pagkakakilanlan namin sa isa't isa?

"Yes, sweety. I love you too"

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan pagkarating namin sa school. Tulad ng parati niyang ginagawa ay hinatid nanaman niya ako sa room namin habang bitbit ang bag ko. Binilinan niya lang ako ng tungkol nanaman kay Heidi at kung anong oras niya ako susunduin bago tuluyang umalis.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon