Kabanata 4: Rude

1K 22 1
                                    

A Glimpse from Carlos sequel posted. Click Everlasting on my Works to Read.

Natutop ko ang aking bibig at nanlaki ang matang napatitig sa walang emosyon niyang mukha. Alam niya ang pangalan ko? P-pero paano? Napakurap ako at linunok ang nakabara sa lamunan ko. Bakit ganito na lang ako kaapektado sa lalaking ito?

"B-bakit mo alam ang pangalan ko?" garalgal ang boses kung tanong. Bumuga naman siya ng usok at kinunutan ako ng noo.

"Alam mo rin naman ang pangalan ko ah parehas lang tayo" anas niya. Kiniskis ko ang aking ngipin at kinalma ang sarili ko. Ang brusko nanaman niya!

"Tinawag ka noong bata eh, kuya Jackson sabi niya" Muli siyang bumuga ng usok mula sa labi niya bago tinapon ang sigarilyo at inapakan.

Nakaturn off ang mga lalaking naninigarilyo, nagsusunog baga lang sila at mangingitim ang labi. But this one is different, mapula parin ang labi niya at ang puputi pa ng ngipin niya. May konting guhit rin ang kilay niya at tumutubo na ang maliliit niyang balbas. Kahit ganoon ay ang gwapo parin niya. Goodness! Ang angas niyang tignan at nagmumukha siyang badboy.

Gwapo si Gregorio, pero si Jackson? Kakaiba ang dating niya kahit mukha siyang manununtok at basagulero. Disente ang suot niya at may butas butas pa ang suot niyang pantalong kupas ang kulay at nakaboots ng itim. Nakasimpleng t-shirt lang siya at may kadena pa ang pantalon niya. Ibang iba siya kay Greg pero, kinakabahan ako sa kaniya.

Gregorio is the good type, while him? Parang bad type siya at napapalibutan ng itim na aura ang kabuuan niya. Isama pa ang seryoso niyang mukha, samantalang si Greg ay palaging nakangiti. Why am I even comparing them? Syempre, mas lamang si Greg. Hindi ko lang talaga maiwasang purihin ang kagwapuhan ni Jackson.

"Kung ganoon, tinandaanan mo talaga ang pangalan ko" inismiran niya ako at pinagekis ang kamay niya sa dibdib at prenteng tumayo sa harapan ko.

"Hindi ah! Nalala ko lang! Mabalik nga tayo sa tanong ko kanina, ba't mo alam ang pangalan ko?" tinaasan ko siya ng kilay at taas noong tinignan.

"Oh ba't kainteresado, Trixie?" may bumara nanaman sa lalamunan ko sa muling pagtawag niya sa pangalan ko.

"Sagutin mo na lang 'yong tanong ko!" tumawa naman siya at tinalikuran ako. What the fudge?!

"Hoy, Jackson! Kausap pa kita!" sinundan ko siya at humarang sa harapan niya. Why am I doing this? Hindi ba dapat ay pinapabayaan ko na siya? Pero there's something about him, and I need to know it.

Brusko siya, pero pagdating sa kapatid niya ay ang lambing niya. God, what is wrong with me?! Nanlalambot ang puso ko ng muling maalala ang pangyayaring iyon.

"Ba't naman kita kakausapin? Hindi tayo close, alis!" inilisi pa niya ako at muling tinalikuran. Nanlilisik naman ang mata kung tinignan siya at muling sinundan. He is so rude!

"Eh bakit mo ako kinakausap at bigla na lang susulpot sa harapan ko?" sambit ko.
"Weirdo ka kasi, ba't mo ba ako hinahanap? Ano'ng kailangan mo? May pera ka bang pambayad saakin?" kumunot naman ang noo sa sinabi niya.

"Tauhan ka ba sa baranggay? Barangay Health Workera ka ba? Ano, ipapakulong nanaman ninyo ako?" umawang ang labi ko sa sinabi niya. A-ano daw? Mukha na ba akong ginang para sabihin niya iyon? Can't he see na mag ka-edad lang kami? At anong perang ibabayad ang sinasabi niya?

"A-ano?" ang tangi kung nasabi dahil sa gulat.

"Tss. Wierdo ka talaga, umalis ka na nga at may lalakarin pa ako. Sinasayang mo ang oras ko" umiling ako at hinarang ang sarili ko.

"Ano nanaman ba ang kailangan mo! Nangangailangan ako ng pera ngayon, pero wala ako sa mood makipag sex" nanlaki ang mata ko at laglag pangang napatitig sa bored niyang mukha. Sumilay ang kaba sa dibdib ko at umatras. May habit siyang makipag sex sa kahit sinong babae? Kahit hindi niya kasintahan?

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon