Sa previous chapter, si Philip ang kasama ni Jackson hindi si Benjo. Pasensya na at maraming typos.
Napahinto ako sa paglagay ng maskara sa pilik mata ko ng may biglang kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy parin ang ginagawa ngunit may kumatok nanaman. Linapag ko ang hawak at umirap sa ere bago binuksan ang pinto.
"Bingi ka ba o nag bibingihan?" salubong ang kilay na sabi ni Carlos habang nakaekis ang kamay sa dibdib. Inirapan ko siya at muling hinarap ang salamin. Pumasok naman siya at umupo sa kama ko.
Nakakapanibago at palaboy laboy ngayon ang lalaking ito sa bahay. Tuwing walang pasok kasi ay lagi siyang na kila George, minsan naman ay pumupunta siya sa mga pinsan niya sa mother side.
"Why are you here, Carlos? Wala kang lakad?" ani ko habang sinusuklay ang mahaba kung buhok. Pinagmasdan ko naman ang repleksyon niya sa salamin, ginagalaw niya ang nagkalat na libro sa kama ko.
"I saw Leida yesterday, nakikipagbalikan nanaman siya" napatigil ako sa pagsusuklay at hinarap siya.
Napapikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko. God, ang sarap sampalin ng babaeng iyon. I knew Carlos, a lot. Minsan lang iyan kung umibig ngunit wagas magmahal. Binabawi ko tuloy ang sinabi ko noong hindi siya playboy, dahil ngayon, hindi ko alam kung nasasaktan pa siya dahil sa break up nila ni Leida. Ang seryoso kasi niya at bakas ang guilty sa mukha niya.
"Lumapit ka nga dito at sasampalin kita. Mahal mo pa ba iyon? Akin nga ang number niya at pagsasabihan ko ang babaeng iyan" tumawa naman siya at prenteng humiga sa kama ko.
Gusto ko tuloy siyang batukan sa pagtawa niya. Alam niyang may pupuntahan ako, pero heto at nagkwekwento siya ng problema niya. Hindi naman sa ayaw kung makinig dahil wala namang ibang sumbungan 'yan kung hindi ako. Mag pinsan kami, pero para saamin ay tunay kaming magkapatid.
"Hindi ko na siya mahal, ilang beses ko na bang sinabi sa iyo? Hindi naman ganoon katindi ang pagmamahal ko sa kanya at hindi ako nahirapang mag move on" ani niya.
"Yes Carlos, not like Jazzel" hindi naman siya nakasagot at nanatiling tahimik.
Muli kung hinarap ang salamin at nagapply ng konting lipstick. Si Jazzel kasi ang una niyang naging girlfriend, tumagal sila ng tatlong taon at welcome na welcome si Jazzel sa bahay namin. Ang alam ko nga sila na ang magkakatuluyan, eh ang kaso naghanap ng iba si Jazzel. Malas talaga ang lalaking ito pagdating sa pag ibig.
"That was ages ago, Trixie" tumayo siya at tinahak ang pintuan. Ang alam ko aalis na siya ngunit napahinto ako sa sinabi niya.
"Iyong manliligaw mo, nasa baba na, seryoso ba iyon sa'yo? Hindi ba't ex ni Heidi iyon?" Nanlaki ang mata ko at kinuha ang bag ko sa lamesa.
"Ba't hindi mo sinabi? At nakipagkwentuhan ka pa saakin?!" sinuot ko ang heels ko at muling tignan ang kabuuan ko sa salamin.
"Why? Hayaan mo siyang maghintay. Tss, arte nito" tuluyan na siyang umalis at iniwan akong inaayos ang damit ko.
Nang matapos na ako ay mabilis akong bumaba. Napuno ng kaba ang dibdib ko habang nasa kalagitnaan ng hagdan. Greg and I were having a date. Babawi siya since busy siya sa nakalipas na araw. Ngunit kahit ganoon ay hindi parin naman niya nakakalimutan ang dapat gawin ng isang maliligaw. Napurnada na rin ang pagsagot ko sa kanya dahil ayokong ipagsabay ang pagsagot ko sa kanya habang busy siya sa mga projects niya. Baka mamaya hindi na niya matapos ang requirements nila sa school at ako na lang ang iniisip niya.
Tumawa ako ng mahina sa naisip. God, ang kapal naman ng mukha kung mag isip ng ganoon. Nang makababa na ako ay nalaglag ang panga ko ng makita si Greg na ngayon ay may hawak pang bouquet ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
Merciless
RomanceSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...