Kabanata 18: This is so Wrong

824 23 1
                                    

Ito muna siguro ang huling Update dahil pasukan na namin bukas. Susubukan ko parin tuwing gabi ang mag update. Balik sa dati ang updates tuwing weekends.

Tila ba huminto ang mundo at tanging mainit at mahigpit na yakap niya lang ang nararamdaman ko. Ang mabilis na tibok ng puso ko lamang ang naririnig ko. Gusto ko siyang itulak at tumakbo palayo. This is so wrong. Ngunit ayaw tanggapin ng pagkatao ko na mali ito. Na sinasabi ng kalahati ng utak ko, na tinitibok ng puso ko na tama parin ito, at nasisiyahan ako sa yakap ni Jackson. Malakas ang tibok ng puso ko. Hindi dahil sa kaba o takot na baka makita kami ni Greg kahit alam kung wala naman siya. Kung hindi dahil, gustong gusto ng katawan ko kung paano ko tanggapin ang yakap ni Jackson. Gusto ko 'yong mas mahigpit pa, hanggang sa maramdaman niya ang pintig ng dibdib ko dahil sa kakaibang epektong hatid niya saakin.

"Ayee! Ang sweet naman ninyong dalawa" naitulak ko ng mabilis si Jackson dahil sa sinabi ni Sharlene na ngayon ay wagas ang ngiti at halatang kinikilig pa. Huminga ako ng malalim at kinalma ang naghaharumentado kung sistema.

Tumawa naman si Jackson at inakbayan ako ngunit nilisi ko lamang ang braso niya. Shit! Hayan nanaman ang kuryenteng nararamdan ko sa tuwing magdidikit ang balat namin.

"Bagay ba kami, Sharlene? Gusto mo ba siyang maging ate ng permanente?" mabilis kung liningon si Jackson na ngayon ay halos mapunit na ang labi niya sa wagas na ngiti. Tumango naman si Sharlene at pinunasan ang labi niya.

"Oo kuya! Bagay na bagay kayo. Yehey! May ate na ako" tuwang tuwa niyang sabi at linapitan ako. Muli nanaman niya akong yinakap ng mahigpit at sumubsob sa tiyan ko.

"Ate Trixie. Huwag mo kaming iiwan ni kuya ah? Kami na lang kasi ang magkasama. Mahal na mahal ko ang kuya Jackson ko" ani niya at si Jackson naman ang yinakap niya.

Parang nalusaw naman ang puso ko sa sinabi niya. Mukhang may pinagdadaanan ang magkapatid na ito. Batid ko ang lungkot sa boses at mukha ni Sharlene. Napatitig ako sa nakatagilid na mukha ni Jackson na ngayon ay hinahalikan ang buhok ni Sharlene. Pati rin siya ay nalulungkot. Bakas na bakas iyon sa mukha niya. Napapikit ako ng mariin at umiwas ng tingin.

This is one of my weakness. Ang makitang nalukungkot ang mga lalaki dahil sa kapatid nila, ina o kaya ay anak. Parang umiiyak ang puso ko sa sobrang awa at saya sa pagmamalasakit nila sa mga babaeng malapit sa buhay nila. Ganitong ganito ang nararamdaman ko kay Jackson. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit upang mabawasan ang kalungkutan niya. Tumikhim ako at hinaplos ang buhok ni Sharlene.

"Oo Sharlene, hindi ko kayo iiwan ng kuya mo" napatigil si Jackson at gulat na tumingin saakin. Binitawan niya rin si Sharlene at nakaawang ang labing tumitig saakin. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"T-totoo, Trixie?" kinagat ko ang aking ibabang labi. Tama ba itong ginagawa ko? Sa mata ng mga taong nakakaalam na kami na Greg ay mali. Pero saakin, tama ito. Tumango ako at ngumiti. Nagulat na lang ng yakapin nanaman niya ako at bumulong sa tenga ko.

"Sana ay hindi mo ako pinapaasa, Trixie. Sana ay tama ang narinig ko" napapikit ako at humugot ng malalim na hininga. Sana nga ay tama itong pinaggagagawa ko. Kahit alam kung kataksilan na ito kay Greg.

Humiwalay siya at kinintilan ng halik ang labi ko. Nanlaki ang mata ko at hinampas siya

"Jackson!" nginisian niya lamang ako at kinagat ang ibabang labi niya. Mukhang natutuwa pa ang loko! Umiwas ako ng tingin at pinigilan ang pagngiti. God, mali ito pero, kinikilig ako ng sobra. Tumikhim ako upang mawala ang kabang nararamdaman.

"Bakit nga pala kayo nandito? Kasama ninyo parents niyo?" ani ko at sinulyapan si Sharlene na busy parin sa ice cream niya.

"Pinasyal ko lang si Sharlene, nababagot daw siya sa bahay. At, wala na kaming magulang" napahinto ako at tumingin sa kanya. Sakto namang nakatitig siya saakin.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon