Kabanata 57: Set him free

1K 17 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang gagawin at nanatiling nakatayo. Hinila ko pababa ang T shirt ni Jackson upang matakpan pa ang kalahati ng hita kong nakabalandra. Fuck! Hindi niya nabanggit saakin na pumupunta pala dito ang mama niya. At ganito pa ang suot ko. Sigurado akong alam na niya kung ano ang ginawa namin ni Jackson.

"Uhm, lumabas po si Jackson bumili ng pagkain." habol habol ko ang aking hininga at iniwasang hindi mabulol sa harapan niya.

"Ganoon ba, halika dito. Have a sit." muli akong napamura ng ngitian niya ako at parang wala lang sa kanya na ganito ang suot ko.

Crap, Trixie! Ang gusto ko sana ay maayos ang damit kong nakaharap sa kanya. May masama na nga akong nagawa sa kanya noon ay madadagdagan pa. Baka isipin niyang wala man lang akong respeto sa sarili ko dahil suot suot ko ang damit ng anak niya. Kinakabahan man ay umupo ako sa harapan niya at napayuko. This is so embarassing. Tumikhim siya upang maagaw ang atensyon ko.

"Kamusta ka, Trixie? Hindi ko alam na dito karin lang pala matatagpuan ng anak ko." may kung anong tumusok sa puso ko sa lambing ng boses niya. Paano niya nasasabi ang ganitong bagay matapos ko siyang sampalin at mapagkamalang babae noon ni Jackson?

"Ayos lang po," tipid kong sagot.

"Alam mo iha, gusto kong humingi ng tawad sa'yo. Sorry kung nilihim sa'yo ni Jackson ang tunay na nangyari noon sa Manila. It was his decision, kung ano man ang gusto niya noon ay sinusunod ko. At isa na doon ang ilihim sa'yo ang tunay niyang pagkatao." Saan pupunta ang usapang ito? Naipaliwanang na ito ni Jackson, a, bakit kailangan pang ungkatin?

"Kasalanan namin ito ni Francisco. Ang buong akala namin ay namatay siya noon sa aksidente. We try to find him, hindi kami tumigil sa paghahanap sa kanya pero nawalan kami noon ng pag-asa. We lost our son, muntikan naring nasira ang relasyon namin ni Francisco. Our life is empty without him. Masakit mawalan ng anak at nangungulila kami sakanya kahit wala pa man siyang kamuwang muwang noon sa mundo." napaawang ang labi ko ng magpunas siya ng luha ng maalala ang nangyari noon.

"After 16 years, saka lang namin siya nahanap sa kamay ni Santa. Santa is Francisco's ex, hindi ko alam kung paano napunta sa kanya si Jackson. Nag makaawa kami sa kanya na sana ay ibigay na niya saamin si Jackson. Pumayag naman siya but we paid her. Ang akala ko ay makukuha ko na ng buong buo ang anak ko pero siya mismo ang lumalayo saamin. Kahit ano'ng kumbinsi ang gawin ko sa kanya ay ayaw niya. Hanggang sa nakausap ko si Sharlene." nginitian niya ako ng tipid ngunit hindi ko man lang nagawang gumalaw sa kinauupuan ko. Napuno ng matinding kaba ang dibdib ko sa kung ano man ang susunod niyang sasabihin.

"You're so beautiful iha, inside and out. Nasabi saakin ni Sharlene na inaalagaan mo daw sila at dinadalhan ng pagkain. Sinubukan kitang kausapin noon upang ikaw ang magkumbinsi sa anak ko pero pinagalitan niya ako. He loves you so much, Trixie. Ikaw ang dahilan kaya hindi niya maiwan iwan ang Manila. Ayaw niyang mapalayo sa'yo." narinig ko na ang bagay na ito kay Jackson, sa papa niya, pero ulit ulitin man nilang sabihin ay tumatagos parin sa dibdib ko ang salitang 'yon. Linapitan nita ako na siyang kinagulat ko.

"Ma'am-"

"Call me mama, I want you for my son, iha. Ngumigiti na siya dahil sa'yo." may kung ano'ng kumislot sa puso ko sa narinig. Gusto kong umiyak sa sobrang saya dahil hindi tutol saamin ang mama niya. Pero ang pag-asang naramdaman ko ay nawalang parang bula sa sumunod niyang sinabi.

"But I love my family, ayokong makaranas nanaman ng paghihirap si Jackson kapag tinalikuran niya ang Ortega. Alam kong kaya niyang gawin iyon dahil nagawa na niya noon. Sa'yo lang siya nakikinig." hinawakan niya ang kamay ko ngunit ang ikinagulat ko ay ang pagluhod niya sa harapan ko.

"Ma'am," sinubukan ko siyang patayuin ngunit hindi ko nagawa. Oh my God! I can't believe this, ang asawa ng city mayor ay nakaluhod sa harapan ko.

MercilessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon