Sa bagal kong kumain ay mistulan nang chewing gum ang nginunguya kong kanin. Hindi ko narin mabilang kung ilang beses akong napainom ng tubig dahilan upang mabusog ako kahit hindi ko paman nakakalahati ang kinakain ko. Muling bumalik sa aking isipan ang itsura kanina ni Jackson matapos ko siyang talikuran. Those pair of eyes, na animoy isang babasaging bagay, ang nakaawang niyang labi habang tulala siya sa kawalan. Marahil ay hindi niya inasahan ang sinabi ko.
Napabuntong hininga ako at pilit na inubos ang pagkain kahit nawalan na ako ng gana. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa itsura niya kanina. Ngunit isa lang ang natitiyak ko, 'yon ay kung kakausapin at susundan pa niya ako matapos ko siyang talikuran. Well, siya naman ang may kasalanan, e, he insulted Phoenix. Masakit 'yon sa ego.
Bakit ko nga ba inaalala si Jackson? Kung tutuusin ay dapat pa akong matuwa dahil baka tantanan na niya ako. Sa tingin palang niya kanina ay alam ko na kung ano'ng iniisip niya sa paghawak ko sa braso ni Phoenix. Pero may kung ano sa puso ko na ayaw kong mangyari. Hindi ko maexplain ngunit nakakasiguro akong hahanapin ko siya kapag hindi na siya nagpakita pa. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Why do I have these kind of feeling, bakit ayaw kong hindi niya ako kinukulit at sinusundan?
"Kilala mo ba ang lalaking 'yon, Trixie?" napahinto ako sa pagsubo at napatingin kay Phoenix. Sa lalim ng iniisip ko ay nakalimutan kong kasama ko pala siya.
"S-sino?" maang maangan ko kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy niya. Binitawa niya ang kubyertos at seryosong tumitig saakin.
"Alam mo kung sino ang tinutukoy ko, hindi ba't siya rin iyong kaibigan ni Eyrone? Close na pala kayo." kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin.
Bigla ay nainis ako sa tanong niya. Para ko siyang boyfriend at kung magtanong ay straight to the point. Ni hindi ko pa nga siya pinapayagang manligaw saakin.
"Hindi." ang tangi kong sagot ngunit mukhang hindi siya kumbinsido at muling nagtanong.
"Parang hindi, e. Trixie, lalaki ako at kitang kita ko sa mata niya na gusto ka niya. Nanliligaw ba 'yon sa'yo?"
"He's just a friend, okay? Stop asking non sense, Phoenix." hindi ko na napigilan pa ang inis ko at inirapan siya. Ano ba'ng gusto niyang malaman tungkol kay Jackson, fuck!
"Really? Hindi 'yon ang nakikita ko. Trixie, liniligawa kita at ayoko ng may kaagaw." nalaglag ang panga ko sa narinig. Ano daw? Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Pinagbabawalan ba niya akong makisalamuha sa ibang lalaki?
"Watch your words, Phoenix. Baka nakakalimutan mong hindi pa ako pumayag na ligawan mo ako at nagdedepende ka lang sa pagkapanalo mo sa laro natin." natigilan naman siya sa sinabi ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam na may ganitong side pala siya, and it sucks!
"Ang akala ko ay pumapayag kana dahil sumasama ka saaking mag lunch."
"I don't want to ruin your effort and I appreciate it." kinagat niya ang ibabang labi.
"Kung ganoon, ayaw mo lang na masayang ang effort ko? Is that so, Trixie?" tuluyan na akong nawalan ng gana sa sumunod niyang sinabi. Padabog kong binitawan ang kutsara't tinidor. Napapikit ako ng mariin at hinilot ang sintido ko.
Good Lord! Lahat na lang ba ng lalaking magkakagusto saakin ay ganito? Iyong feeling nila ay pag mamay-ari na nila ako! Kung ganito lang din naman ay mas gugustuhin ko na lang ang maging single!
"I'm sorry, okay? Trixie, gustong gusto kita. Ayaw ko lang na may kaagaw ako sa'yo. Unang kita ko pa lang sa'yo noon ay kakaiba na ang nararamdaman ko. Kaya ginaganahan akong sumayaw sa tuwing pinapanood mo kami because you are my inspiration."

BINABASA MO ANG
Merciless
RomantizmSi Jackson ang dahilan kung bakit nasira ang meron sa kanila ni Greg. Ngunit hindi niya inasahan na si Jackson din ang magiging dahilan kung bakit ngayon, naramdaman nanaman niya ang pamilyar na sakit sa puso niya. Trixie is contagious, but in her s...